Chapter 37

842 46 26
                                    

Venus

"Venus! Ano ang nangyayari?"

Nasapo ko ang noo habang umiiyak na naupo sa tiles ng banyo. Si Kuya ay mabilis na sumunod sa akin. Paupo pa lang ako kanina sa dining nang kaagad na nakaramdam ng pagbaligtad ng aking sikmura. This past few days had been so heavy for me. Madalas na sumasakit ang ulo ko at tuwing umaga naman ay nagduduwal ako na halos bumaligtad na ang sikmura ko pero walang inilalabas.

Naluluha kong ipinikit ang mga mata. Wala pa naman akong kinakain kaya hindi ko alam ang dahilan nang pagbaligtad ng sikmura ko.

"Ven.." nang maramdaman ko ang palad ni Kuya sa noo ko ay napamulat agad ako ng mata.

He looked at me with his worried eyes. Nanghihina kong isinandal ang ulo sa wall ng CR.

"Kuya, masama ang pakiramdam ko."

He nodded and immediately scooped me up from the floor. Nang makarating kami sa kwarto ko ay tinawag si Manang upang tumulong.

"Gusto mong tawagin natin si Doctor Mariano?" hinawi ni Kuya ang mga buhok sa aking pisngi.

I gently shook my head. Medyo maayos na naman ang pakiramdam ko. Nakakainis lang ang palagiang pagsusuka ko na wala namang inilalabas.

"I'm fine, Kuya. Magpapahinga lang ako." bahagya kong isinubsob ang mukha sa unan upang ipakita kay Kuya na pagod talaga ako.

Mabilis akong nakatulog. Nagising dahil sa mahinang tapik sa aking pisngi.

"Venus. Hindi ka pa naka-pag breakfast" si Kuya.

Napakurap-kurap ako nang mula sa likuran niya ay nakita si Papa na nakatayo at mariing nakatitig sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at agad inalalayan ni Kuya. Napanguso ako. Hindi na naman masama ang pakiramdam ko!

Akala naman ni Kuya baldado ako.

"Is there something wrong, Venus? Dapat ay nagpatawag na kayo ng Doctor." ani Papa nang lumapit ako upang hagkan siya.

Nang banayad niyang hinaplos ang buhok ko ay kaagad akong napangiti. Aristokratiko si Papa at medyo strikto. Pero palagi niya kaming pinapahintulutan sa kung anong gusto naming gawin. Kaya nga nang nagdesisyon si Kuya Rigo na umalis sa bahay nila dahil sa sobrang strikta ng ina ay agad siyang pinayagan ni Papa.

"I'm fine pa, I'm just having stomach upset."

"Nagdala ako ng prutas dahil sinabi ni Rigo sa akin na masama ang pakiramdam mo. Baka puro chocolates na lang ang kinakain mo dito, ah?"

Nangingiting napailing ako. Ang braso ay ikinawing sa braso ng ama habang papalabas kami ng kwarto. He knows that I am addicted to sweets.

Napatigil ako habang pababa kami ng hagdan nang makita ang babaeng nakaupo sa mahabang sofa na agad napatayo nang makita kami.

"Venus.." Calli gave me a sly smile.

She changed a lot for the past few years. Talagang sinadya kong iiwas ang sarili ko sa kanya simula nang malaman na magkapatid kami. Alam kong hindi niya ako gusto at hindi magbabago iyon, malamang nadagdagan pa ang galit niya sa akin.

She cut her hair and color it into light brown. Lagpas balikat nalang niya ang haba. It was still curly though. Ang kutis ay makinis pa rin gaya ng dati. Mas lalo siyang tumangkad at naging sexy.

Ito ang unang beses na nakita ko siya makalipas ang ilang taon.

"Hi.." mahinang sambit ko at umayos sa pagkakatayo. Humiwalay ako kay Papa na alam kong nakamasid sa amin.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now