Chapter 8

896 50 57
                                    

Venus

Unang bumaba si Gracia nang makarating kami sa village nila. Mas lalo tuloy naging awkward na kami na lang ni Sandro ang naiwan sa kotse.

"Palagi ka bang umuuwi ng ganitong oras?" aniya nang makaliko kami sa kurbadang daan.

"Oo. Alas diyes ang out ko eh.."

"Matagal ka na bang nagtatrabaho?"

Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Puro tubuhan ang nadadaanan namin. Malawak na lupaing pagmamay-ari ng pamilya ni Samantha.

"Simula nang mamatay ang mama ko." wika ko sa mababang boses.

Matagal na naman ang nangyari. Kung maaari, ayoko nang pag-usapan pa. Siguro hindi nawala ang sakit bunga ng pagkawala ng Mama ko, natutunan ko lang kung paano mabuhay na dala dala ang sakit ng pagkawala niya araw araw.

Sandro never uttered a word after that. Siguro'y naiintindihan niya rin na ayaw ko nang pag-usapan pa. Nang makarating sa waiting shed namin ay namataan ko kaagad si Miko at ang tatay niya na nakaupo sa sementadong upuan.

"Dito ka lang? Makakapasok naman ang kotse ko sa loob." ani Sandro nang sinabihan kong hanggang dito nalang ako ihatid.

"Okay na ko dito. Atsaka sinusundo ako nina Miko." itinuro ko ang dalawa na nakatingin sa kotseng tumigil.

Sandro nodded and opened the door on his side. Kita kong tumango siya bilang pagbati sa dalawa bago umikot para mapagbuksan ako.

"Magandang gabi, tay Carding!" bati ko sa tatay ni Miko. Ang siyang nagsilbing magulang ko na rin simula nang mawala ang inay.

"Magandang gabi po.." Si Sandro.

"Magandang gabi rin venus at sir Sandro. Hindi namin inaasahan na magkasama kayong dalawa ngayon."

Marahang tumawa si Sandro. "Ihahatid ko na po to palagi.."

Miko shifted his weight on the other foot. Taas kilay na binalingan ko naman si Sandro. Sumulyap siya sa kanyang relo.

"Mauuna na po ako..Pare." humakbang siya at nakipag fist bump kay Miko. "Paki ingatan nalang si Venus.."

Tumango si Miko at mariin akong tinitigan. Tumawa naman ang tatay niya sa biro ni Sandro. Pagkatapos magpaalam sa dalawa ay marahang hinawakan ako ni Sandro sa balikat. "Mauuna na ako, Ven."

I nodded and gave him a sly smile. "Ingat ka.."

-

"Bakit naman gagawin ni sir Sandro iyon kung hindi siya interesado sayo?" ani Gracia habang abala kami sa pagbibihis sa locker room ng resto. Tapos na ang shift namin at hindi nga niya pinalagpas ang nangyari kagabi.

I was busy thinking about it the whole night. Ayokong umasa pero si Sandro mismo ang gumagawa ng paraan para umasa ako. Pero parang imposible naman. Gusto kong kiligin. Pero iniisip ko, ano ang silbi ng kilig na nararamdaman kung sa paglubog ng araw mapagtatanto ko na hindi naman katulad ko ang tipo niya?

Kung iisipin, sino ba naman ako? May mga nagsasabing maganda ako. Pero mas maganda at sopistikada iyong mga babaeng nakakasalamuha niya araw araw.

"Hindi ko alam, Grace. Nakakagulat ang ginawa niya kagabi.."

"Naku, kursunada ka nun. Sinasabi ko sayo.. Hindi matatapos ang linggong 'to at aamin din yan."

"Hindi naman siguro, baka nagiging friendly lang. Kasi d'ba? Normal sa pamilya nila ang ganoon?"

"Iba naman yung friendly sa pumuporma! Masyado naman ata siyang friendly kung bawat nakakasalamuha niya ay hinihintay niya ng mahigit dalawang oras at tsaka ihahatid sa bahay."

Waves of LifeWhere stories live. Discover now