Chapter 12

945 41 27
                                    

Venus

Dumating sa resto sina Samantha at ang mga pinsan ni Sandro mga alas syete ng Sabado. Wala sa grupo nila si Simon, Sandro, at Callista. Kumaway agad si Sam sa akin nang mamataan ako sa counter.

Si Gracia ang lumapit sa kanila. Ang kinuha nilang table ay ang malapit sa akin kaya rinig na rinig ko tuloy ang mga kulitan nila. Pinapangunahan ni Governor Matthew at Borgy.

"Nalagot si Alfonso sa asawa niya kagabi. Ito kasing si Matthew ay nadulas na pumunta kami ng Bgc noong nakaraang linggo.." si Borgy.

"Dude, hindi ko alam na magagalit pa si Gyra. Past is past, right? Noong nakaraang linggo pa tayo pumunta ng bgc, ngayon ko sinabi."

"Alam mo naman gov ang mga babae. Nakakalimutan nila ang mga facebook passwords nila, pero iyong ginawa mo, kahit 5 years ago pa iyan, maalala at maalala pa rin nila."

Lahat sila ay napabaling kay Vincent.

"Aba? Nag- aadvice ka na ngayon ah? May girlfriend ka na ba?"

"You mean, girlfriends?" pagyayabang ni Vincent.

Naghiyawan agad sila at kinantiyawan ito. Si borgy ay tumayo pa at ilang beses na yumuko sa harapan ni Vincent, tila hari itong sinasamba.

Ngumuso ako para pigilan ang nagbabadyang ngiti. Hindi ko alam kung bakit sila nagtatawanan pero nakakahawa ang mga tawa nila. Ang saya nilang tingnan. Ganoon talaga siguro kapag mabuti kang tao, pinagpala ka sa pamilya at mga anak.

They are always been the ideal family in Tabacalera. Kahit kailan ay hindi ko narinig na nagkasiraan ang bawat miyembro ng pamilya nila.

Napatuwid ako sa pagkakaupo nang tumunog ang wind chimes ng pintuan ng resto at iniluwa nito si Sandro. Puting polo na bukas ang unang dalawang butones at denim blue na maong ang saot.

Ngumiti siya nang mamataan akong nakatingin sa kanya. Tila hindi kilala ay dinaanan niya lang ang mga pinsan niyang binati siya.

"Hi.." aniya nang makalapit. Itinuko ang dalawang kamay sa counter. "Bukas?"

"Bukas?" ulit ko sa tanong niya. Ano ang meron bukas?

He poked my forehead. "Sa resthouse ko sa Villarosa. You promised to be with me tomorrow."

"Pero may gagawin pa akong powerpoint presentation para sa report ko sa Monday.."

Nahihirapan talaga ako kapag presentations na. Wala kasi akong laptop, pwedi din naman sa cellphone pero nahihirapan ako kaya pumupunta pa ako sa computer shop para lang gumawa ng powerpoint.

"Mamaya?" napatigil siya.

"Bukas ng umaga. Sa computer shop ako gumagawa eh."

"Send me your reports. Ako ang gagawa ng power point mo.."

Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya?!

"Sandro 'tagagawa ng powerpoint' Marcos." that voice came from Governor Matthew.

Nabaling ang tingin ko sa kanila nang marinig ang boses niya. Doon ko lang napansin na halos lahat pala sila ay nakatingin sa aming dalawa ni Sandro. Tumikhim ako at umayos sa pagkakaupo.

Inayos ko ang buhok, nilagay ang mga takas na strands sa likod ng aking tainga.

"I'll talk to you later.." ani Sandro na ginagap ang palad ko sa ibabaw ng counter bago tumungo sa mga kasamahan.

Kaagad siyang kinantiyawan ng mga ito.

--

Tahimik kong sinuyod ang stone pathway mula sa resthouse ni Sandro na alam kong patungo sa dalampasigan. Nang matanaw ko na ang dagat ay tumigil ako at kumapit sa barandilya. Tirik na tirik ang araw, ang mga sinag nito ay tila brilyante na naglalaro sa dagat.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now