Chapter 30

865 34 9
                                    

Venus

I went silent for a moment. Nakatitig ako kay Sandro dahil sa sinabi niya. I am an old friend? Tumaas ang sulok ng labi ko dahil doon.

Hindi ko alam na naghahalikan pala ang magkaibigan.

Gusto kong bumunghalit ng iyak habang nakatitig sa mga mata niya. Ni hindi ko malaman kung anong reaksiyon ang ipinapakita ko sa kanila ngayon. Ang alam ko lang, nakatitig ako sa pamilyar na mga mata. Pero hindi katulad ng dati ay wala nang pagmamahal ang kanyang mga tingin. Tanging galit ang nakikita ko na hindi ko alam kung saan nagmumula.

I almost flinched when someone wrapped his arms around my waist. Isang hila lang ay kaagad akong napasandal sa katawan ng kung sinong nasa likod ko.

"You are taking my breath away, baby." Sky's husky voice near my ear made me jumped in place.

Pasimple ko siyang itinulak palayo at nagkunwaring nagulat sa ginawa niya. Hinawakan ko ang dibdib. "You surprised me, Sky."

Mabilis akong tumalikod sa kanila at kinuha ang cardigan ko sa malapit na sun lounger. Nevermind. Wala na akong ganang maligo sa ngayon. Matutulog na lang siguro ako sa kwarto.

Umupo ako at kinuha ang cellphone ko. Ito ang pinagkaabalahan ko. Hindi ko alam kung kailan umalis si Sandro at ang asawa niya. Kinausap ako ni Sky pero wala akong imik. Nang paglinga ko na wala na sina Sandro ay tsaka lang ako bumalik sa suite.

Kaagad kong ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi ko matandaan kung ilang oras akong nakatulala sa kisame. I am dissapointed. At hindi ko malaman sa kung anong dahilan.

What happened between me and Sandro was over three years ago. At nahihibang na ata ako dahil may kaunting parte sa puso ko na umaasang kagaya pa rin siya ng dati kapag nagkita kaming muli. Ang pader na kay tagal kong itinayo sa aking puso ay tila gustong gumuho. At hindi ko gusto ito.

Goodness! He's a married man now, Venus!

"You okay, Ven?" ani kuya sa akin habang nasa loob kami ng kotse.

Tumango ako at sumandal. Ipinikit ko ang mga mata. Inaantok pa talaga ako dahil maaga niyang ginising kanina. Hindi ako nakatulog sa pag-iisip sa nakita ko kahapon at maaga pang binulabog ni Kuya ang tulog ko.

Nakatulog ako sa biyahe at nagising lamang dahil sa banayad na pagyugyog sa aking braso.

"Ven. We're here." Kuya said gently.

Kinusot ko ang mata, kaagad na naabutan si Kuya na nasa gilid ko. Bukas na ang pintuan sa side ko at nakatayo siya sa gilid nito.

Sinalubong kami ng dalawang katulong na siyang pinagkatiwalaan ni Kuya sa pagdadala sa mga gamit ko. Nagpatiuna si Kuya at tahimik naman akong nakasunod sa kanya.

Pinaglakbay ko ang tingin sa malawak na lupain. May mga dwarf coconuts sa gilid ng batong pathway na patungo sa bahay. Mula dito ay makikita ang bahay na siyang palaging pinagmamalaki ng kapatid ko sa akin.

The white colored structure with its red roof stands proudly across a sprawling yard dotted with palm trees and carpeted with green grass. May malaking 2 tier fountain sa gilid kung saan isang batang anghel na may hawak na teapot kung saan lumalabas ang tubig ang siyang disenyo.

Malaki ang bahay ni Kuya Rigo sa France. But this place is shouting serenity and hominess.

The tables inside are made of marble but all of the chairs are made from wood.

The walls, ceilings, and curtains of the entire house is in traditional pristine white. The floor is also made from hardwood. The whole house features both classic and modern design.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now