Chapter 25

823 39 16
                                    

Venus

Naging abala ako sa bagong trabaho at field study ko. Malapit na rin ang deadline ng dalawang field study books namin kaya halos hindi na ako matulog kakasagot. To think na sobrang dami pa ng mga questions, hindi talaga madadala sa stock knowledge lang.

Ilang beses ko pang inuulit ang mga tanong para lang maintindihan. Nabobo na yata ako.

"Sa tuwing lunes at miyerkules, may live band. Kaya makikita mo na medyo mas madami ang tao ngayon." ani Everly habang papalabas kami ng staff room.

Si Everly ang sumalubong sa akin noong nag aapply pa lang ako. Para rin siyang si Gracia, kwela at mabait. Pero itong si Everly ay nag-aaral katulad ko, nasa third year college at sabi niya'y single siya pero ready to mingle daw.

I was assigned to take orders. May karanasan na naman ako sa dating pinagtatrabahuan kaya hindi na ako nahirapan pa. Maliban na lang sa mukhang mayayaman ang halos lahat ng mga customer, baka isang maling galaw ko lang ay magbayad ako ng mahal dito.

"Miss, table for six please."

Kasalukuyan akong nasa bukana ng pintuan nang may kumalabit sa akin. "Hello sir. Welcome to--" nabitin sa ere ang anumang sasabihin ko nang makita kung sino ang mga nasa harapan.

Humalakhak si Gov. nang mapagtantong kaya ako napatigil dahil sa nakilala sila. Sa likuran ay naroon si Borgy na may kasamang matangkad at magandang babae, si Michael na nakangiti sa akin at si Sandro na biglaang sumulpot sa aking harapan.

Napaatras pa ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

"Continue with the greetings.." aniya sa malalim na boses pero hindi naitago ang mga ngisi.

Umirap ako. "Pumupunta rin pala kayo rito?"

"Yes.."

"No."

Halos sabay pang sumagot si Gov at Sandro. Nagkatinginan silang dalawa. Kumunot naman ang noo ko. Ano ba talaga?

"Hindi kami kumakain dito." agap ni Gov. "Ngayon lang dahil nalaman ng aso mo na dito ka nagtatrabaho."

Humalakhak si Michael at Borgy sa likuran. Marahas namang binalingan ni Sandro ang pinsan. Halos gusto kong matawa nang mapagtanto kung sino ang asong tinutukoy ni Gov.

"Hihintayin kita mamaya." Muling bumaling si Sandro sa akin. Ilang segundo kaming nagkatitigang dalawa.
He was wearing a light blue polo tucked into his black pants. Tila sumisigaw nang karangyaan ang buong katauhan niya.

I can see he's tired. His eyes couldn't lie. Ano kaya ang trabahong ginagawa niya at mukhang palaging pagod? Sinasamahan pa rin siguro niya si tito Dom sa pangangampanya.

Napailing ako nang mapagtantong kung sakaling positive ang resulta ng DNA test ay malaking kasiraan sa senatorial ambition ni tito Dom.

Napaatras ako nang mas lalo pang lumapit si Sandro sa akin at inilagay sa likod ng aking tainga ang mga takas na buhok. His lips then twisted in a sexy smile and pulled me by my waist.

"I miss you, Ven."

I gasped silently. Sa takot na baka may makakita sa ginawa niya ay naitulak ko siya palayo. I miss you! Kahapon lang kami huling nagkita! Parang tanga naman 'to.

"Sus!" si Gov na pabirong siniko sa likuran si Sandro. "Respeto naman sa mga single dito."

Michael chuckled. "Hanggang ngayon ba ay binabasted ka pa rin ni Jamie? Ika sampung subok na panliligaw mo na 'yan ah? Maghanap ka ng bago, Matt at baka tatanda kang tigang."

Waves of LifeWhere stories live. Discover now