Chapter 7

933 41 25
                                    

Venus

We spent all of our time in the resto. Nang mag sunset ay nag-ayang mag CR si Miko at sumunod naman si Samantha sa kanya. Akala ko'y Cr lang, pero ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin bumabalik ang dalawa!

Halos magpalpitate ang kilay ko habang hinihintay silang bumalik pero halos umabot na ng isang oras  ay wala pa rin sila.

"Nag text si Sam, nasa seaside daw sila. Gusto mong pumunta tayo dun?" tanong ni Sandro.

Tumango ako at iniatras ang aking upuan. Sumunod si Sandro sa akin. Mabilis ang mga hakbang ko at kita kong sinusubukan niyang sumabay sa gilid ko. I stopped on my track when I heard a camera click from somewhere.

Bumaling ako kay Sandro at nakita kong nakatitig rin siya sa kung sino ang kumuha ng litrato. He then looked at me with assurance.

"It's fine. Go ahead." aniya. Marahang tinapik ang balikat ko.

I was bothered by the camera click. Sinubukan kong hanapin kung nasaan galing iyon pero banayad na hinawakan ni Sandro ang braso ko at iginiya ako palabas. Mukha siyang nagmamadali and he was trying to hide me from whoever is taking the pictures.

"I'm sorry about that.." aniya nang makarating kami sa mga mangrove trees. Napangiwi ako nang maramdaman ang unti- unting pagsubsob ng sandals ko sa putik.

"Ganyan ka ba lagi? Kinukunan ng litrato o videos nang hindi mo alam?"

"Does it bother you?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Bakit ako? Eh ikaw naman ang habol nila."

Napailing kaagad siya. Nilampasan ako. Habang siya ay malayang nakakapaglakad sa basang putik ay sobrang struggle naman ako. Yung sandals ko kasi ay dumidikit dito. Bawat hakbang ay mabigat.

I groaned. Ang bilis ng mga hakbang ni Sandro. Nahihirapan akong sumunod sa kanya. Natatakot akong baka iwanan niya at hindi ko saulado itong lugar.

Napahawak ako sa isang mangrove tree nang muntik nang mabuwal sa kinatatayuan. I groaned again.

Nakakainis naman 'to! Puno na ng putik ang sandals ko!

"Sandro.." I groaned again.

"Stop it.." aniya sa boses na tila nagpipigil. "Para kang inaano."

Kumunot ang noo ko habang tinititigan siyang nakatalikod pa rin sa akin. Tumigil siya sa paglalakad subalit hindi man lang ako nilingon.

"Ano?"

"Sabi ko itigil mo yang pag- ungol. Tila ka inaano!"

Inaano?!

Halos mangamatis ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Sino naman ang nagsabing umuungol ako?

"Ang dumi ng utak mo, Sandro Marcos!" halos pasigaw kong sabi. "Akala mo kung sinong matino.."

Kahit nahihirapan ay nagawa ko siyang malampasan sa paglalakad. Ni hindi ako gumawa ng kung anumang ingay na maaaring makapagpagising sa madumi niyang isip.

Si Sam at Miko ay naabutan naming nag-uusap sa seaside. Halos sabunutan ko tuloy silang dalawa. Nakalimutang atang kaibigan nila ako at kasama kanina. Ang sasama ng ugali iniwan ako kasama ang Sandro Marcos na 'to!

-

"Venus, tingnan mo 'to.." ani Gracia habang tumatambay na naman sa counter. Sa tuwing walang masyadong customer o kung wala namang ginagawa ay madalas talaga ang pag tambay niya dito. Nakikipag chismisan sa akin. Kaya naiinis tuloy ang ibang mga kasamahan namin.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now