Chapter 22

829 42 23
                                    

Venus

"Three to five days ay malalaman na ang resulta ng ginawang DNA test." ani Sam na abala sa pagkain.

Tumango ako at sumimsim sa inumin ko. Pumayag ako sa sinabing DNA testing ni tito Dom. Ano man ang resulta ay buong puso kong tatanggapin. Sinamahan ako ni Miko at Samantha sa laboratory while Tito Dom went there alone. Sa hinuha ko'y walang alam ang pamilya niya tungkol dito.

And Sandro.

Kaagad na sumakit ang puso ko nang maalala na naman siya. Ayokong isipin na magkapatid kami. Ayokong pangunahan ang mga pangyayari. Pero kung totoo man ang hinala ni tito Dom ay hindi ko alam kung makakayanan ko bang tanggapin na kapatid ko ang lalaking pinakamamahal.

Napapitlag ako nang ginagap ni Sam ang palad ko sa ibabaw ng lamesa. "Gusto mo bang mamasyal muna? Like, magbakasyon. Total christmas break naman. Ako ang bahala."

Tumawa ako. Pilit na pinapatatag ang sarili. "Saan naman?"

I've been crying a lot these days and I think Sam's suggestion is a good idea. Ayokong isipin na hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. Patong patong ang mga problema ko at wala akong ibang gusto kundi ang magpahinga.

"Do you want to visit Bacolod? Pupunta roon si Kuya Hiro. Pwedi tayong sumabay sa kanya. I wanted to visit The Ruins there.."

I nodded and continue eating my food. Ayoko na munang dagdagan ang mga problema ko.

Iniwasan ko si Sandro. I stop texting and calling him. Hindi na ako nahirapan dahil iyon din naman ang ginagawa niya. Whatever his reasons are, I don't care.

"Oh my god.."

Napabaling ako kay Sam dahil sa biglaang pagbulalas niya. Ang kamay niya ay napahawak sa braso ng katabing si Miko pero ang tingin ay sa entrance ng resto nakatuon.

Kumunot ang noo ko at binalingan din ang tinititigan niya. Na sana'y hindi ko ginawa!

Tita Riza walked inside the resto. Nasa likuran niya si Vincent. Iginiya sila ng lumapit na waiter sa lamesang taliwas sa direksiyon namin. Nahigit ko ang hininga nang makitang huling pumasok si Sandro. He's on a light blue polo and black slacks, his hair dishevelled na tila marami siyang iniisip na wala nang panahon upang ayusin ang sarili.

He wasn't alone. Nalipat ang titig ko sa babaeng nasa likuran niya.

She looks gorgeous in a halter chiffon vest top and a bodycon midi white skirt. Ang isang kamay ay may hawak na puting clutch habang hawak naman ni Sandro ang kabila.

Napalunok ako ng bara sa lalamunan habang bumababa ang titig sa kamay nilang magkahawak.

"Si Alexa Miro?" rinig kong bulong ni Sam.

Mas lalo akong napasinghap. She's Alexa? Hindi ko masisisi si Sandro sa comment niyang iyon o si Gov man ang gumawa! Ang ganda ganda niya sa personal! Her hair's in a soft blonde. Katamtaman ang tangkad. Pero mukhang elegante mula ulo hanggang paa.

Nakita ko ang pagsulyap ni Sandro sa direksiyon ko kaya pinilit kong panatilihin ang aking ekspresyon. He remained silent and pulled Alexa by her waist. Dumiretso sila sa table na ibinigay ng waiter.

"Ven." tawag sa akin ni Sam. "Gusto mo bang umuwi na?"

Ikiniling ko ang ulo. Sinubukan na mag pokus sa aking pagkain. Pero hindi ko mapigilan ang mapasulyap sa direksiyon nina Sandro. At sa tuwing napapasulyap ay nasasaktan lang ako.

Alexa said something to him. He smiled and our gaze met. Nagbaba kaagad ako ng tingin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya!

It's the first time that I ever felt this way. Bago pa man pumatak ang mga luha ko ay nagpaalam na kaagad ako na pupuntang CR. Sa sobrang pagmamadali ay kamuntikan ko pang nakabangga ang waiter na may dala dalang mga pagkain.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now