Chapter 3

1.1K 47 5
                                    

Venus

Mahinang kiliti sa aking pisngi ang siyang naging dahilan kung bakit naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Halakhak ng babae at ang kasunod na yakap sa akin ang naramdaman ko kaya kaagad akong napadilat.

"Sam?" I said with my eyes half closed.

"Ano? Natutulog ka dito sa gitna ng tubuhan. Akala mo naman bata ka pa.."

Napasinghap ako. Napuno ang ilong ko ng mamahalin niyang pabango at shampoo. Umuwi si Sam mga tatlong buwan na ang nakalilipas. Nagkasakit ang Papa niya kaya dito niya ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Pilipinas. Kahit anong pilit sa kanya ay ayaw niyang bumalik ng London.

Nakakatuwa lang na sa kabila ng mga taong lumipas, hindi pa rin siya nagbabago. She is still the same Sam that we used to know. Sweet and genuine.

"Palagi ko ngang sinusuway, hindi naman nakikinig sa akin."

Tiningala ko si Miko na nasa aming harapan ngayon. Pinanliitan ko siya ng mata. Mapupungay ang mga mata at magulo ang buhok. Ang gwapo gwapo ng bestfriend ko!

Dumako ang tingin ko sa kamay niya at nakitang hawak hawak ang purse ni Sam.

Itong dalawang 'to. Kahit hindi aminin ay alam ko palagi ang mga tinginan at kilos nila.

"Pinuntahan namin ang gown na pinagawa ni Mommy." humiwalay si Sam sa akin at umayos ng upo. Si Miko ay inokyupa ang kawayang upuan sa harapan. "Sabi ni Miko, maganda naman daw."

"Basta ikaw, lahat maganda para kay Miko."

Pinamulahan kaagad si Sam nang dahil sa sinabi ko. Saglit siyang napatigil sa pagsasalita at napatingin sa harapan namin. Ngumiwi siya at hinampas ako sa braso. "Totoo nga, Ven. Tapos may nakita akong gown doon para sayo."

Nanliit ang mata ko. Pinaglipat ang tingin sa kanilang dalawa. Si Miko ay nagkibit- balikat habang nakangiti naman si Sam. "Nasa bahay niyo na, kaya hindi kana pweding humindi."

Wala akong ibang nagawa maliban sa um-oo nalang. Next week will be her 21st birthday. At sinabi ko sa kanya na ako na ang bahala sa gown ko pero nagpupumilit na siya daw ang bahala sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa purse na hawak nang makapasok kami sa malawak na steel gate. The Del Valle's are one of the most powerful families here. And every event, every parties held by the richest families in Tabacalera are more like a showcase of their power and wealth. Hindi na ako magugulat kung makita ko dito ang mga sikat sa lugar namin.

Sa labas at bakuran pa lang ay halos mapuno na ng mga tao ang bahay.

"Nakakahiya mik.." wika ko sa kaibigan na sobrang gwapo sa suot na black three piece suit.

Natanawan kami kaagad ni Sam na agad humiwalay sa mga kasamahan at sumalubong. "Venus!"

I couldn't help but admire her from head to toe. She is wearing a spaghetti strap red dress which fits her slender figure. Nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok na natural na kulay brown. She looks bold and sultry.

"Ang ganda ganda mo!" aniya nang makalapit. Inilahad ang sariling kamay sa harapan ko bilang pang emphasize sa sinasabi. Agad akong nailang, lalong- lalo na nang makitang ilang ulo ang nagsi- ahon upang tumingin sa direksiyon namin.

I am wearing a wine colored and sleeveless mini dress. It featured a smocked halter neckline with keyhole cut out infront and a button closure at the back. To emphasize the design of the dress, I pulled my hair into a simple french twist with a few hair locks fell on each side of my face. Ilang ulit ko pang ginawa kanina dahil hindi ko makuha ang perpektong ayos. Hanggang ngayon hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now