Chapter 34

897 44 21
                                    

Venus

WARNING: Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk

--

"Sandro!" malakas na bulalas ko.

He slowly turned to me. His eyes sparked dangerously under the bright lights of the car. I've never seen eyes so inscrutably dark that looking at them was like losing myself.

"What the hell are you doing here?" kinakabahan kong tanong. Mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo sa kotse at halos lumabas ang puso ko sa aking katawan sa pag-aalalang baka mabangga kami. Lalong-lalo na't halos hindi makita ang daan dahil sa makapal na ulan. "Ano ang ginawa mo sa driver ni Kuya?"

"We need to talk, Venus." aniya sa tonong sinuman ay hindi kayang baliin.

"Itigil mo ang kotse."

Tila walang narinig ay mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya. Napakapit ako sa pintuan. Ang isang kamay ay sa ilalim ng aking upuan.

Kung gusto niya nang mamatay ay huwag naman niya sana akong idamay!

"Ititigil mo o tatalon ako?" pananakot ko na hinawakan ang handle.

Napalunok ako nang makita ang bilis ng pagpapatakbo ni Sandro. I probably can't do it. Kung tatalon ako panigurado na lasog-lasog ang aking katawan at kung hindi ma'y critical ang aking kalagayan sa hospital!

Narinig ko ang malalakas na mura ni Sandro kasunod ang biglaang pag preno sa kotse. Kung hindi lang ako mahigpit na nakakapit sa pintuan at sa upuan ay paniguradong napasadsad na ako sa unahan.

I groaned frustratedly. Mabilis na binuksan ang pintuan at kaagad na sinalubong ng naglalakihang patak ng ulan.

Great, Just Great! Malakas kong isinarado pabalik ang pintuan at nilakad ang kalsada. Patuloy ang pagpatak ng ulan at wala akong paki-alam kung tila basang sisiw na ako ngayon.

"Venus!" lumingon ako at nakitang papalabas si Sandro ng kotse at sinuong na rin ang ulan. "Will you please stop this foolishness?" sigaw niya.

Inihilamos ko ang palad sa mukha dahil sa nanlalabong paningin. I pushed myself to walk faster lalong-lalo na nang makitang sumusunod si Sandro sa akin.

"Gusto ko nang umuwi!" I shouted back.

And before I could even move an inch, he forcefully grabbed my arm and spin me back to face him. Umawang ang labi ko sa gulat. Paanong nahabol niya ako nang ganun kabilis?

"Hindi ka uuwi hangga't hindi tayo nag-uusap." mariin at determinado niyang sinabi. Pagkatapos ay hinila ako pabalik sa kotse. "Ang hilig hilig mong tumakbo palayo sa akin."

"Sandro, ano ba!" hinampas ko ang braso niya na tila hindi man lang natitinag. "Bitawan mo 'ko! Kung hindi mo ko bibitawan, sisigaw ako!"

He turned to me when we reached the car again. Tumaas ang sulok ng labi niya na tila ang sinabi ko ay isang malaking kalokohan.

Natahimik ako at kinagat ang labi. Well, that's the dumbest thing to say right now! Nasa gitna kami ng kalsada sa kalagitnaan ng malakas na ulan at kanina pa nga naman nagsisigawan. Sinong makakarinig sa amin dahil sa malibang mailap ang mga sasakyang dumadaan ay wala pang kabahayan.

"I want us to talk." He said and he pushed me on the car. Napasinghap ako kasabay ng pagtingala sa kanya. His handsome face hardened in anger.

"You're in no position to make any demands." I gritted my teeth as I tried to escape from his tight grip. But he just raised his hand and buried his fingers on my hair. His other hand was grasping my arm brutally.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now