Chapter 4

988 43 2
                                    

Venus

Naging laman ng balita ang nangyari. Ang tangkang pagkidnap sa unica hija ng mga Del Valle. Idagdag pa ang pangingialam ng mga Marcoses ng walang pag-aalinlangan ay mas lalong dinumog ng reporters ang hospital. But no one was granted an interview.

"I'm sorry.." iyak ng iyak si Sam habang nasa lobby kami ng hospital.

Maliban sa mga pasa at galos sa katawan ay walang ibang nangyari sa mga magpipinsan. Si Sandro, kung hindi dahil sa akin ay hindi sana mapapahamak. Nadaplisan ng bala si Miko sa itaas na bahagi ng kanyang kaliwang balikat. Kasalukuyang nagpapagamot ang dalawa sa loob.

She was comforted by Gov. Manotoc. Nakaupo lang ako sa isang sulok habang pinapanuod ang pagsidatingan ng mga pamilya nila. Ang lahat ay tila ayaw paniwalaan ang nangyari. Sinong mag-aakala na sa higpit ng bantay ng mga Del Valle ay may mangyayari pang ganito?

Samantha's parents came together with Sir Dominic and Atty. Riza. Sinalubong kaagad ni Sam ang mga magulang at kapatid. Sa likuran ay nandoon ang parehong mga police at bodyguards ng mga Marcos. Ang iba'y tauhan din nina Samantha.

"How's Sandro?" si Atty. Riza.

I couldn't help but felt guilty about what happened to Sandro. Kung hindi ako tila tanga na nakatayo doon, malamang ay hindi siya ni nadaplisan man lang ng bala. He looks capable in defending his self. Hindi kasali doon ang pagsalo ng bala na para sana sa akin.

"He is fine, Tita." si Michael. "Maya-maya ay pwedi na natin siyang puntahan."

"I'm sorry, tita." si Gov. "If we were there, hindi sana mangyayari 'to. Muntik nang mapahamak si Sam dahil hindi namin siya nabantayan."

"Are you kidding?" ang Daddy ni Samantha. "Kung hindi kayo dumating ay baka natangay na ng mga lalaking iyon si Sam. It's a shame that it actually happened in our place. Walang kwenta ang mga tauhan ko."

"Magpasalamat na lang tayo at walang nangyaring masama kay Sam.." si Sir Dom. "At hindi malubha ang natamo ni Sandro."

Pumikit ako at isinandal ang ulo sa pader na nasa aking likuran. The blood in my arm felt sticky. Ni wala akong panahon kanina para ayusin ang sarili ko. Ang alam ko lang, nag-aalala ako kay Miko at kay.. Sandro.

I am the only one who enter's Miko's room. Ang iba ay naging abala sa kwarto ni Sandro. I can't blame them. Rinig kong kakauwi niya lang galing London at ito kaagad ang bumungad sa kanya dito.

"Kamusta si Sam?" si Miko.

Nakaupo siya ngayon sa kanyang kama at may benda sa balikat kung saan siya tinamaan. Makikita ang mga pasa sa kanyang pisngi at braso.

"She's now fine."

"Kung hindi dumating ang mga lalaking iyon, napahamak na sana si Sam." inihilamos ni Miko ang palad sa kanyang mukha. Kaagad akong nag-alala sa kanya. "Dahil hindi ko siya kayang ipagtanggol ng mag-isa."

"Don't be silly. Kahit sino walang laban sa mga lalaking armado lalo na't mag-isa ka lang at wala ni isang panlaban sa kanila. You tried to save her and she's grateful for that."

"Mik.." ang mahinang boses mula sa pintuan.

Pareho kaming napabaling kay Sam na papasok ng pintuan. Mabilis na kinain ng mga hakbang niya ang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Aware of his bruises, she just sit in the bed near him. Si Miko na ang kusang nagtaas ng kabilang kamay upang yakapin siya.

Doon lang yumakap pabalik si Sam.

"I'm glad your fine.." Miko whispered and planted a chaste kiss on her forehead.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now