Chapter 17

1K 42 40
                                    

Venus

Nalaman ko na birthday pala ni Governor Matthew ngayon. May party sa bahay niya at gusto ni Sandro na dumalo kami.

"Okay lang ba na nandoon ako?" tanong ko ulit.

Hawak- hawak ang kamay ko ay tahimik si Sandro habang papunta kami sa labas, kung saan naka park ang mga kotse nila.

Dinungaw niya ako. "Oo naman. Hindi ako pupunta kung hindi kita kasama."

Tumikhim sa likuran namin si Gov. Nakita ko kaagad ang pag-iba ng modo ni Sandro nang marinig iyon. Nang makarating sa labas ay wala palang dalang kotse si Gov. Sumabay lang siya kanina kay Sandro papunta rito.

I looked up at the huge black steel gate. Behind it was a three storey house with a huge glass windows and a curvilinear roof. The front door of the house which I think is made of narra was painted in red.

Bumaba si Sandro ng sasakyan at agad na umikot upang pagbuksan ako. Si Gov. na nasa likuran ay kusang lumabas. Hinapit kaagad ako ni Sandro sa baywang at nilingon ang pinsan.

"Huwag mo nang ipagkalat ang nakita mo." ani Sandro.

Nagtaas ng kilay si Gov. "Akala mo naman sa akin chismoso."

"Hindi lang akala. Chismoso ka talaga sa paningin ko."

Humagalpak ng tawa si Gov. Tinapik sa balikat si Sandro at kaagad kaming nilampasan.

We silently followed him inside his house. Paikot- ikot ang mga mata ko habang sinusuyod ng tingin ang paligid.

His spacious living room has a gray couch, a center table made of wooden base and curved glass top. Along the cloudy gray color wall was an arco lamp and a pair of wrought iron chairs. Katabi ng living area ay ang hagdan na patungo sa ikalawang bahagi ng bahay. And on it's far corner was a long wooden dining table with wooden benches and chairs.

Sinalubong kami ng dalawang katulong. Ang medyo mas bata ay kay Sandro kaagad napunta ang mga titig.

"Nasa taas na ba sila, manang?" si Gov.

"Opo sir. Si sir Simon ang huling dumating."

Tumango si Gov at may ibinilin sa matanda. Pagkatapos nun ay umakyat kami sa hagdan. Halos umurong ako nang sa pagbukas ni Gov. ng pintuan ay ang maingay na kwarto kaagad ang aming naabutan.

Nagtatawanan sila na agad natigil nang makita kaming dumating. Tumikhim si Michael at ibinaling ang tingin kay Simon na nakaupo sa isang rattan chair. Magkatabi sa mahabang sofa sina Vincent, Borgy at Michael. Sa kabila ay isang babaeng hindi ko makilala at si Calli.

Nagtagal ang titig ko kay Calli lalong lalo na't nakita kong nakadiretso ang titig niya sa kamay ni Sandro na nasa baywang ko. Sandro doesn't seem to mind about it dahil hinila niya pa ako palapit sa mga kasamahan.

"Mukhang may magpapakilala!" hiyaw ni Borgy na itinaas ang bote ng beer niya.

Nakipag fistbump si Sandro kay Borgy at Mike. Iginiya niya ako sa pangdalawahang sofa na nasa tabi ng upuan ng tatlong lalaki. Sa harapan ay ang malaking TV. Nagvivideoke sila bago pa man kami dumating.

So, this is how they held a party? Mag- inuman at magkantahan? I am expecting a more formal party where parents are invited. Pero ni isang mga magulang ay wala akong nakita rito sa loob ng bahay.

They have talked about us. Pero sa huli ay itinigil iyon dahil kita ang disgusto ni Calli sa topiko. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagkain habang sila ay nagkakantahan at nag-iinuman.

"May kwento ako sayo, borg." nakisiksik si Gov sa tatlong nasa kabilang sofa.

Agad siyang pinukulan ng masasamang titig ni Sandro. Tila nahinuha na kaagad kung ano ang gagawin ng pinsan.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now