Chapter 14

842 40 18
                                    

Venus

Nag start ang Fs observation namin at pinili kong eskwelahan ang maliit na public school lang na malapit sa amin. Mas malapit at may mga classmate rin akong doon ang pinili kaya nakisabay nalang ako. Nextweek ay mag- oobserve na kami doon during classes.

"Sa tingin ko, ginawa niya lang iyon dahil napag-iinitan ka sa social media." ani Gracia nang ikinwento ko sa kanya ang pag comment ni Sandro sa post ni Alexa Miro.

"Ano namang maitutulong nun?"

"Eh syempre--"

Naiwan sa ere ang pagsasalita niya nang tumunog ang cellphone kong nasa counter top. I told Gracia to wait before answering the call. It was Miko.

"Ven.. Pauwi ka na ba?"

Napakunot ang noo ko at napatingin sa malaking orasan na nasa pader ng resto. Alas otso pa lang ng gabi. Alam naman niya kung anong oras ang out ko, ah?

"Nagtatrabaho pa ako, mik." sagot ko.

"Yung boyfriend mo nandito sa bahay. Nakita siya kanina ni Papa sa labas ng bahay mo, mga alas kwatro ng hapon.."

"Boyfriend?"

"Yung Marcos, Ven."

Napatutop ako sa sariling bibig. Si sandro? Ano naman ang ginagawa niya sa bahay? Ni hindi nga niya sinabing uuwi na siya ngayon. Buong akala ko'y nasa Maynila pa siya.

"Pauwiin mo.."

"Eh kanina pa nga siya nakatambay sa labas ng bahay niyo, pinagpiyestahan tuloy ng mga kapitbahay. Ngayon ay umiinom na kasama ni Papa."

Namilog ang mga mata ko. Umangat ng tingin dahil may customer na papunta sa akin. "Mik naman, sabihan mong umuwi na. Gabi na oh! Sige, mamaya nalang. May customer pa."

I can't stop thinking about it the whole time. Tila lutang tuloy ako sa trabaho. May naibigay pa akong sobrang sukli kanina, mabuti nalang mabait ang customer at sinabi sa akin na sobra.

Pagkatapos ng shift ko ay tinawagan ko kaagad si Miko. Sinundo niya ako sa labasan at halos hindi na ako mapakali habang naglalakad kaming dalawa papasok.

"Sinabi ko na nga sa kanyang umuwi na. Pero kinukulit ng mga kapitbahay. Si Berto ang nangunguna. Inaya pang mag- inuman."

Napahilot na lang ako sa sentido nang makarating sa bahay nina Miko ay nadatnan nga si Sandro na kasama nina Berto na nag-iinuman. Ilang bote na ng tanduay dark ang nakatumba sa lamesa nila kaya paniguradong lasing na lahat ng ito.

"Naku Venus, mabuti at dumating ka na! Itong anak ni sir Dominic ay sobrang lasing na. Si Berto kasi ay sinabihan ko nang tumigil sa pag-aaya!" ang nanay ni Miko na kaagad akong sinalubong.

"Venus!" ang lasing na si Berto na inakbayan ang katabing si Sandro. "Narito na pala girlfriend mo!"

"Oh.." nag-angat ng tingin sa akin si Sandro. Namumungay ang mga mata niya, magulo ang buhok at gusot ang suot na itim na polo na bukas ang dalawang butones. He squinted his eyes trying to recognized me. "Sino nga ulit?"

"Girlfriend mo!" ulit ni Berto.

"Wala akong girlfriend!" humagikhik siya, ganoon din si Berto. Nag- appear pa silang dalawa.

Napanguso ako. Lasing na lasing nga! Ang sarap lang videohan at ipakita sa lahat. .

Nakakatulog na si Sandro sa lamesa. Tinulungan naman namin siya ni Miko na akayin patungo sa loob ng bahay ko.

"Susuntukin kita, Gov." paulit- ulit niyang sinabi habang naglalakad kami. Ang braso niya ay nasa balikat ni Miko, hinahawakan ko naman siya sa kabilang braso para hindi mahirapan si Miko sa kanya.

Waves of LifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora