Chapter 18

1K 35 13
                                    

Venus

Nalasing si Calli. Si Borgy ay medyo tipsy rin na agad nang nakatulog sa sofa. Ang malaking problema lang ay si Calli na mukhang wala na ata sa sarili.

"Ihatid mo muna, Matt." si Jamie na tumayo na.

Nilingon siya ni Gov. "Lasing na si Borgy. Walang maghahatid sayo. Si Simon na lang."

Jamie nodded. Matapos magpaalam sa aming lahat ay nauna nang lumabas ng kwarto. Mabilis namang sumunod sa kanya si Gov.

I wonder if there's something going on between them? Kanina ko pa nahuhuli si Gov. na kay Jamie nakatitig. Pero mukhang nagkakamabutihan din si Borgy at jamie.

Ito pala ang hobby nila. Mag-agawan sa isang babae?

Inalalayan ni Simon si Calli palabas. Tawa ito ng tawa kanina pa. May mga oras ding umiiyak. Halos matawa ako nang masampal niya si Simon habang inalalayan siya nito.

"Uuwi na ba kayo?" tanong ni Michael.

Ako, si Sandro, Vinny at siya na lang ang natitira sa kwarto. Si Sandro parang hindi lang uminom kahit na dalawang bote ang naubos niya. Nasa tamang huwisyo pa rin siya.

"Magdi- dinner pa kami sa bahay." si Sandro.

"Oh.." bulalas ni Michael, tinapunan ako ng tingin. "Seryosohan na ba talaga toh?"

Napabaling na rin ako kay Sandro. Nagulat sa sinabi niya. Hindi niya naman sinabi sa akin na pupunta kami sa bahay nila ngayon. Edi sana nakapagprepare ako!

Simpleng white tshirt, blue jeans at strap sandals lang ang suot ko ngayon. Ayoko namang magmukhang kawawa sa parents niya.

"Ayos lang ba na ito ang suot ko?" paulit- ulit kong tanong kay Sandro kahit na nasa loob na kami ng kotse.

Mag aalas sais na at medyo makulimlim ang paligid dahil sa nagbabadyang ulan. May paparating kayang bagyo sa mga susunod na araw?

Pinasadahan ako ng tingin ni Sandro. "You're still pretty."

Ngumuso ako. Ibinaling ang tingin sa labas. Napapalamutian na ang mga kalsada ng naglalakihang christmas decorations. Tila isang paalala sa lahat na malapit na ang pasko.

Muntik ko nang makalimutan na inaya nga pala ako ni Dean na dumalo sa christmas party ng student council. Pinag-iisipan ko pa iyon at gusto kong tumanggi dahil hindi naman ako parte ng SC.

Tumunog ang cellphone ni Sandro hindi pa man niya napapaandar ang makina. Napabaling ako sa kanya, kinuha niya mula sa dashboard ang cellphone at sinagot ang tawag. Kumunot ang noo ko nang makita na hindi naman iyon ang cellphone na palagi niyang ginagamit. Ang cellphone na nakita kong palagi niyang dala ay nakapatong pa rin sa dashboard.

Bumili ba siya ng bagong phone? Did he change his number?

"Hello lex." aniya.

Mas lalong napakunot ang noo ko. Lex? Alexa? Nagtagal ang nagtataka kong titig kay Sandro habang sinasagot niya ang tawag.

"Yes, tomorrow. uhm.." sumulyap siya sa akin. Nararamdaman kong nag-iingat siya sa mga salitang binibitawan dahil nakikinig ako. "I'll just see you when I get there."

Umismid ako at humilig sa upuan. Ang tingin ay muli kong ibinaling sa labas.

"Lex, we have talk about it already. I have my own plans and--" hindi natapos ni Sandro ang kung anumang sasabihin dahil sa tingin ko ay pinutol siya ng nasa kabilang linya.

Agad akong nakaramdam ng inis kay Sandro. Dalawa ang phone niya! Para sa ano ang isa? Para sa sidechick? At ang kapal naman ng mukha niya para kausapin ito sa harapan ko.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now