Chapter 27

770 37 20
                                    

Venus

"Calli is your date for tonight?" tanong ko kay Sandro.

We stayed here on the railings. Nagpatuloy ang party sa loob at hindi ko na gustong bumalik pa doon.

Hindi pa man nasasagot ni Sandro ang tanong ko ay nakarinig kaagad ako ng impit na sigaw mula sa kalayuan. Kunot noong napabaling ako sa paligid at nakitang wala namang tao.

"Sandro, narinig mo ba iyon?" I asked.

"Hm?" he silently said. Nang tiningala ko siya ay abala ang kanyang tingin sa damit ko. Nakasandal pa rin ako sa railings habang ang isang kamay ni Sandro ay nasa baywang ko at ang isa ay nakatukod sa bakal na railings.

Wala siyang narinig! Nakiramdam ako sa paligid at nang hindi na muling narinig pa ang ingay na iyon ay inakala kong hallucination lang.

"Ayaw mo ba sa damit ko?" Ipinokus ko na lamang ang atensiyon kay Sandro.

"You're really pretty with it."

"It doesn't answer my question."

Bumuntong hininga siya. Hinaplos ang baywang ko. "Gusto."

"You seems not to be okay with it kanina."

"Kung komportable ka sa suot mo ay walang problema sa akin. Kaya ko namang magpigil."

Kumunot ang noo ko. "Magpigil?"

"na manapak. Kanina, bawat lalaking tumitingin sa iyo ay gusto kong sapakin. Pero nagpigil ako."

Humalakhak ako. Bahagyang tinulak ang dibdib niya.

Sandro isn't possesive as my first impression towards him. Ni hindi niya ako pinagbabawalan sa kung anong susuotin, palagi niyang tinatanong kung komportable ba ako sa suot, and if I said yes, hindi niya na ito pinapansin pa.

Napapansin ko na ayaw niyang sinasakal ako. This is one of the perks for having a boyfriend that was a lot older than you. He's more matured.

"I'm going to give you something. Wait for me here." aniya at tumalikod upang pumasok sa loob.

Naiwan akong mag-isa sa labas. Naririnig mula dito ang marahang haplos ng mga alon sa dalampasigan. Naglakad ako at tinungo ang batong hagdan na kanina ay tinatanaw ko lang. Agad akong sinalubong ng sariwang hangin.

Hindi ko maisip kung anong nararamdaman ng mga mayayaman na magkaroon ng malaking bahay sa harap ng dagat. Pangarap ko ito mula pa man noon. Naiisip ko nga minsan na kapag naging isang guro na ako ay iyon ang uunahin ko. Ang magpatayo ng beach house.

Alam kong medyo imposible pero sabi ng Mama ko, "Kahit na gaano kahirap, lahat may karapatang mangarap." Iyon ang dahilan kung bakit araw-araw akong nagpupursigi. And I'm now near the finish line. Kay bilis ng mga araw.

"Tulong.."

Napatigil ako sa paghakbang pababa nang marinig ang mga daing at ungol na iyon. Kaagad na nagsitindigan ang mga buhok sa batok ko dahil sa sobrang kaba. I thought of running away but my feet won't let me do it.

"Tulong." naulit pa iyon.

Halos sumabog ang puso ko nang makita na sa ilalim, sa dulo ng mga baitang ng hagdan ay may babaeng nakahiga roon! She's wearing a green gown. That's all I could see. Dahil maliban sa medyo madilim sa parteng 'to ay nakahiga pa siya sa buhanginan.

"A-are you okay?" I stammered.

Nanginginig ang tuhod ko habang unti-unting bumababa. Pakiramdam ko bawat hakbang ng mga paa ko pababa ay ang pagkatigil ng aking puso.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now