Chapter 31

830 41 16
                                    

Venus

"Boyfriend mo ba ang kasama mo sa resort?" tanong ng katabi ko matapos ang ilang minutong katahimikan. "Hindi ko alam na nasa Iloilo ka."

Sumulyap ako sa kanya, sumulyap rin siya sa akin bago ibinalik ang tingin sa daanan. Gusto ko siyang barahin. Ano namang pakialam niya? Dapat ba na ipaalam ko sa kanya na nasa Iloilo ako?

"Just stick your nose to yourself." bulong ko pero tamang- tama lang upang marinig niya.

Hindi na siya nagsalita pa. Mukhang napahiya yata sa sinabi ko. For the first time, I felt guilty. Siya na nga itong nagmamabuting loob ay tinatarayan ko pa. Pero. siya din naman may kasalanan, d'ba? I slightly nodded. Tama, siya nga naman.

Patuloy ang katahimikan sa pagitan namin. Diretso lang ang tingin ko sa unahan at ganun din naman siya. Nang tumunog ang kanyang cellphone ay mas naging abala siya rito. Ang isang kamay ay nasa manibela habang ang isa ay nasa cellphone.

"Hello, Dianna." Napabaling ako sa kanya nang marinig ang pangalang binanggit niya. Sumulyap din siya sa akin. "Yes, I'm on my way. May ihahatid lang ako.."

Napasimangot ako. May pupuntahan siya? Si Dianna ba ang babaeng pinakasalan niya at ang nakita ko sa Iloilo? Hindi ko masisisi si Sandro kung bakit binuntis kaagad niya. Malalaki ang boobs at pwet eh.

Sandro smirked. "Okay. You take care.."

You take care! Agad na bumangon ang iritasyon sa akin. Kahit na wala naman akong karapatang magalit. Bakit ba? Eh sa naiinis lang ako! Kailangan ba talaga niyang sabihin iyan sa harapan ko?

I jerked my head when he dropped the call. "Sinong kausap mo? Ang babae bang kasama mo noong nakaraan?"

He playfully cocked his head on my direction. "Akala ko ba, Just stick your nose to yourself?"

Napaiwas ako ng tingin. Napahiya dahil sa tanong.

"It's not that I care about you.." I immediately denied. "I'm just curious"

Humigpit ang hawak niya sa manibela at ipinokus na ang buong atensiyon sa daanan. Itinagilid niya ang ulo habang kinakagat ang labi. "Just stick your nose to yourself, Ven." He chuckled.

I make faces. Edi don't. Para namang interesado ako doon. Ang yabang yabang. Akala ata niya ay baliw na baliw pa rin ako sa kanya ngayon!

Malayo pa lang ay tanaw ko na si Zoe sa labas ng gate nila. Isang red sports bra ang suot at itim na tiktok shorts. Napailing ako. Palagi talagang kinukulang sa tela itong kaibigan ko. She's a swimsuit designer and really loves fashion. Dahil sa kanya ay nakasanayan ko na rin ang pagsusuot ng swimsuit at maiikling damit.

Nang makarating kami sa harapan ng gate ay ilang ulit akong bumuntong hininga, pilit kinakalma ang sarili. Naramdaman ko ang titig ni Sandro sa akin kaya binalingan ko siya.

I pressed my lips together before uttered a simple thank you.

Tumango siya. Gumalaw sa kanyang kinauupuan at akmang bubuksan ang pintuan sa side niya. Agad ko siyang pinigil nang mahinuha kung ano ang kanyang gagawin.

"Ako na. H'wag ka nang--"

"Sira ang handle dito sa loob.." aniya na tila walang narinig sa sinabi ko, agad siyang bumaba ng kotse.

Ngumuso ako at isinukbit na ang aking bag sa balikat. Pinanuod ko siya nang umikot patungo sa aking direksiyon. Isang white polo na nakatupi hanggang siko at nakapaloob sa black pants ang suot niya. Sa tingin ko'y may naabala akong lakad nila ni Dianna ngayon.

Zoe impatiently fanned her hand to herself. Galit na galit na siguro 'yan! Pero nang mamataan si Sandro ay kaagad na umawang ang labi at lumipad ang mga kamay sa nakabukas na bibig.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now