Chapter 9

899 45 28
                                    

Venus

"This is Venus Laine Montillo.." hinila ako ng aming college dean patungo sa table ng mga guests at officials. "She's a consistent deans lister since her first year in college. Not to mention na working student siya."

Nahiya kaagad ako dahil sa sinabi ni Dean. Napa 'wow' ang parehong mga officials at guests. Isa- isa ko naman silang kinamayan.

It was the school's 24th foundation day. Maraming importanteng tao sa lipunan ang mga dumalo. Nagulat ako dahil mula sa bleachers na nasa unahan kanina ay pinatawag ako ni Dean. Iyon pala ay para lang ipakilala sa mga taong nakaupo sa unahan.

"Beauty with a brain indeed.." ngisi ni Councilor George Familiaran. "I wonder kung bakit hindi ka isa sa mga kalahok sa pageant?"

Nagtawanan sila dahil doon. Tumawa rin ako. Ito talagang si Dean ay mahilig akong ipagmayabang sa ibang tao. Close talaga kami ni Sir Paras. Palagi niyang sinasabi sa akin na bilang dean ay humahanga siya sa akin dahil nakakaya kong maging deans lister kahit na nagtatrabaho ako.

Bumalik ako sa bleachers pagkatapos ng pagpakilala ni Dean sa akin. Nasa ikatatlong palapag ang inuupuan ko kanina. Habang paakyat ay sumipol ang ilang mga kalalakihan na nadaanan ko.

I ignored them. Mga lalaking estudyante na akala mo kung sinong ang gagwapo kung makaganyan sa mga babae. At kung gwapo sila, nakakaturn off lang.

"Ano'ng sinabi ni dean?" tanong ni Kaila na siyang katabi ko.

Namumula ang kanyang pisngi dahil sa init ngayon sa gym. Ang labi niya ay hindi na kailangan pa ng lipstick para pumula. Mahahaba rin ang pilikmata niya na tila siya isang manika.

Kaila is my friend. Sa eskwelahan ay siya lang ang nag-iisang kasabayan ko saan man pumunta. Pero hindi masyadong close kung ikukumpara kay Sam at Gracia. Kasama ko lang siya pero hindi ko naman nasasabi sa kanya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.

"Pinakilala lang ako sa mga guest.."

Tumango siya at ibinaling ang titig sa stage.

Maya-maya ay magsisimula na ang search for Mr. and Ms. Tabacalera City College. Kung ako ang tatanungin ay ayoko talagang dumalo sa ganitong mga program, pero dahil kinakailangang dumalo at chinicheck ang attendance ay wala akong ibang pagpipilian.

Alas siyete pa ito matatapos. Nagpaalam na naman ako sa boss namin na hindi ako makakapasok ngayong araw.

Maingay sa loob ng gym dahil sa kanya- kanyang kwentuhan ng mga estudyante. Idagdag pa ang cheers  ng bawat department kahit na hindi pa naman nagsisimula ang pageant.

Mas lalong umingay at halos lahat ng ulo ay sa entrance ng gym natuon. Nakita kong umakyat sa stage ang MC habang ang tingin ay nakatuon rin sa labas.

I craned my neck to see better. May mga naglabas ng cellphone upang kunan ang kung sinumang papasok sa loob ng gym.

"I would like to acknowledge the presence of our very own provincial economic consultant, the honorable Sandro Marcos!"

My heart hammered foolishly against my chest. Pumalakpak ang mga tao, nagsitilian at halos maglupasay ang mga babae, at tumayo ang mga guests na nasa unahan bilang pagbati kay Sandro. Sandro entered the gym like he owns it.

Kumaway siya bilang pagbati sa maingay na gymnasium. Sa likuran ay may mga kasama siya na sa tingin ko ay mga staff. He did a piece sign which is the sign of their family and raised his hand upward.

He is on a red polo shirt again but the number 3 print is now on the right sleeve of the polo, dark blue jeans and a gray sneakers. He looked confident and powerful.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now