Chapter 15

924 42 29
                                    

Venus

Sandro and I take everything slowly. Ini- enjoy lang namin ang mga araw na magkasama kami. Medyo mas naging busy siya ngayon at naiintindihan ko. Naging abala rin ako sa fs observation ko kaya kapag linggo ay bumabawi kaming dalawa.

Inayos ko ang buhok habang pinapanuod si Callista Villaruel na patungo sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa strap ng puting sling bag. Mas lalong nadepina ang perpektong hugis ng katawan sa suot na white bodycon dress.

"Can we talk?" ang bungad niya sa akin.

Pinigilan ko ang magtaas ng kilay. Ano naman ang pag-uusapan namin? At may dapat ba kaming pag-usapan?

"May trabaho ako, maam." humina ang boses ko sa huling salita. I don't know what to call her.

"Venus, ako na daw muna ang papalit sayo dito." dumating si Jessa na kanina ay kasunod ni Calli.

Nagpalipat- lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Naipagpaalam na kita.."

Bumuntong hininga ako habang sumusunod kay Callista. Pinili niyang puwesto ay ang pinakadulong table kung saan walang nakaupo. Iminuwestra niya sa akin ang upuan sa kaliwang bahagi kaya umupo ako doon.

Inilapag niya ang wallet at cellphone sa lamesa. Sinulyapan ko iyon pero muling ibinaling ang tingin sa kanyang mukha. Itim na itim ang buhok niyang sobrang ganda ng pagkakakulot, matangos ang ilong, manipis ang namumulang labi at mestiza.

Kahit sa malapitan ay hindi maipagkakailang maganda siya.

"I'll go straight to the point.. I want you to stay away from Sandro."

"I'm sorry?" napataas ang kilay ko.

"Hindi ka nagiging mabuting impluwensiya sa kanya. Alam mo bang hindi na siya uma-attend ng meetings para lang puntahan ka? He even declined Tito Dom's offer to managed the HQ in Cavite because he doesn't want to leave you here. Tell me, inuutusan mo ba siyang gawin ang lahat ng iyon?"

I swallowed the lump on my throat. I don't have any idea. Hindi sa akin sinasabi ni Sandro at kahit sabihin niya'y wala akong ideya, wala akong alam patungkol sa trabaho niya.

"I don't have to explain anything to you."

Nagtaas rin ng kilay si Calli. Her lips are slightly trembling. Hindi ko alam kung dahil ba sa kabado siya o dahil sa galit na pilit niyang kinikimkim.

"With that attitude, I'm sorry Venus but.." hinagod niya ako ng tingin. "I don't think he would fall for you."

Kaagad na bumangon ang inis sa akin. Hindi ako pumayag na makipag-usap sa kanya para lang insultuhin niya.

"And to be honest, I don't like you." Duh? I don't like you either.

"Hindi ko kailangang magustuhan mo. Kaibigan ka, Calli. Bakit hindi ka makuntento sa pagiging kaibigan? Kung ayaw mo sa akin, umiwas ka."

"Ikaw ang kailangang umiwas, Venus. Bago ka pa dumating, magkaibigan na kami ni Sandro. At kahit dumating kapa, hinding- hindi ako mawawala. I am his bestfriend and he will choose me over anybody else."

"You tell that to him.."

"We both know that he is very powerful and good looking, and Im pretty sure that every girl in this town wants to be his girlfriend. Yung iba ginagawa na ang lahat para lang mapansin niya. Tell me Venus, anong ginawa mo? Inalay mo ba ang sarili mo sa kanya?"

"Sandro is a smart man. He wouldn't go for anyone he doesn't think is worth it. Alam mo, I've been wondering why he didn't choose you instead. Now I know why.." ako naman ang nagpasada sa kanya mula ulo hanggang paa. "Maganda ka nga, mayaman, nagmula sa kilalang angkan, pero makitid 'yang utak mo. Ako ang napili mong kausapin dahil alam mong hindi mo nadidiktahan si Sandro. Mas lalong hindi mo ako madidiktahan, Calli. You won't be able to change my mind especially by insulting me right on my face."

Waves of LifeWhere stories live. Discover now