Chapter 10

908 42 26
                                    

Venus

"Gagraduate na tayo.." ani Brent na pabirong siniko ako. "Wala ka pa ring boyfriend."

"Required ba iyon?"

"Hindi naman. Pero ikaw din, tatanda kang talaga.."

I chuckled. "Hindi naman. May tamang oras din para riyan."

"Pag dumating na ang oras na iyon, sabihan ma ko ha? Para alam ko kung kailan gagalaw."

Napailing na lang ako sa mga biro ni Brent. Mula pa man noon ay mahilig na talaga siyang magbiro ng mga ganyan. Hindi ko nalang sineseryoso.

My eyes darted on Sandro again. Lumagok siya sa kanyang alak habang may sinasabi si Callista sa kanya.

He stared at me over the rim of his glass.

Bumuntong hininga ako. Calli is busy telling him something and he just sat there doing nothing but to stare at me! May problema ba siya sa akin?! Parang gusto naman akong patayin kung makatitig.

Nawala ang atensiyon ko kay Sandro nang lumapit at umupo si Dean sa table namin.

"Sabi ko nang magkasama kayo eh.." aniya na tila nanunuya.

We both laughed. Si Dean talaga ay mahilig kaming asarin ni Brent mula pa man noon. Sinasabi ko naman sa kanya na wala talaga kaming relasyon.

"Ano? May good news na ba kayo sa akin?"

Napailing ako. "Naku sir, imposible iyon."

"Bakit naman imposible? Gwapo si Brent, maganda ka Venus. Pareho kayong consistent deans lister. Naku! Bahala kayo! Malaking kawalan ang isa't- isa."

Humalakhak si Brent at inakbayan ako. "Sinasabi ko nga po kay Venus, sir. Pero mukhang may plano pang tumandang dalaga."

"Huwag kang gumaya kay Miss Arellano na sa sobrang pihikan ay tumandang dalaga. Tingnan mo ngayon, bugnutin."

Mas lalong lumakas ang halakhakan naming tatlo. Dakilang marites din itong si sir. Strikto talaga siya sa klase at kapag lumalabag kana sa mga rules ng eskwelahan, pero kapag close kayo ay makikita mong sobrang bait niya.

My eyes again drifted on Sandro. Halos lumabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito nang makita siyang iniatras ang kanyang upuan at humakbang patungo sa direksiyon namin. Iritado siyang sinundan ng tingin ni Calli.

Pupunta ba siya rito?

Sinubukan kong patatagin ang nanginginig kong tuhod sa ilalim ng lamesa nang tumigil nga siya sa harapan ng lamesa namin. Natigil sa pagtawa ang dalawa kong kasama at tiningala siya.

"Oh Mr. Marcos!" si Dean na mukhang nagulat sa presensiya niya. "Do you need anything?"

"Good evening sir.." si Brent.

Binalingan siya ni Sandro. Nagtagal ang titig dito na tila kinikilatis. The muscles on his face tense in aggression before his gaze landed on me.

"I just want to meet your favorite student sir. Iyong kinikwento mo kanina.." ani sandro sa mababang boses.

Halos mapapikit ako. Bakit ang husky ng boses niya?

Parehong napakunot ang noo namin ni Brent nang inokyupa ni Sandro ang upuan sa tabi ko kahit na may bakanteng upuan naman katabi ni Dean. Ngayon tuloy ay napapagitnaan nila akong dalawa habang mag-isa sa harapan si Dean!

"Yes. This is Venus.." sabay lahad ng kamay ni dean sa akin. "and Brent. Silang dalawa ang mga paborito kong estudyante. Iyong kinikwento ko sayo kanina."

Waves of LifeWhere stories live. Discover now