Chapter 21

763 37 23
                                    

Venus

"Hindi pa rin ba sumasagot?" tanong sa akin ni Samantha.

Umiling ako at inilapag ang cellphone sa katabing lamesa. Inihilamos ko ang palad sa mukha dahil sa sobrang pagkairita.

Mula kahapon ay hindi pa rin ako kino contact o tinetext ni Sandro. Nakakapanibago na ganun siya kaya hindi ko maiwasang mag-alala na baka may kung ano nang nangyari sa kanya. Nahihiya naman akong magtanong sa parents niya at baka sabihin na ang OA ko.

Kay simon kaya?

Ipinilig ko ang ulo. Baka masupladuhan lang ako nun.

"Nag-aalala na talaga ako, Sam. Baka kung napano na siya.."

"I'll call Tita Riza.." ani Sam na tumayo at lumabas ng bahay.

Naiwan si Miko sa sofa na mariing tinitigan ako. Napailing siya habang kinukuha ang bottle ng softdrinks sa harapan.

"Sabi ko sa'yo eh, huwag ka basta bastang magtitiwala dun."

Patingalang umikot ang mga mata ko. Ito na naman tayo sa walang katapusang apura niya tungkol kay Sandro.

"See?" aniya nang makita ang reaction ko. "Ang tigas tigas ng ulo mo. Hindi ka masabihan. Dapat una pa lang naging bukas ka na sa posibilidad na Marcos iyang pinili mong boyfriend, mataas ang katayuan sa buhay. Maaaring magloko."

"Kayo din naman ni Sam ah?" I fired back.

"Magkaiba 'yon, Ven. Sam and I knew each other since we were kids. Alam mo kung paano kami naghintay ng tamang oras para sabihin ang nararamdaman sa isa't-isa.. Sa Marcos na 'yan, ni hindi ka kilala, ilang araw pa lang kayong nagkasama minahal ka na kaagad."

Itinikom ko ang bibig. Naiinis ako kay Miko. Naiinis ako sa sarili ko. Dahil unti- unti na akong tinatablan ng mga salita niya.

Ayokong maniwala sa kanila kasi hindi naman sila ang nasa posisyon ko! Hindi naman sila ang nakasama ni Sandro. Bulag na kung bulag pero wala akong ibang paniniwalaan kundi si Sandro lang!

"Ven.." Sam said quietly. Laglag ang mga balikat niyang pumasok ulit sa loob ng bahay. "Nakauwi na daw si Sandro kagabi. Ang sabi ni Tita nasa bahay siya at.." she trailed off.

"at?"

"No.." Sam hurriedly went into me. "Wag nalang nating pag-usapan. Gusto mo bang mamasyal?"

Umiling ako at muling dinampot ang cellphone. Wala akong ganang mamasyal. Mananatili na lang ako dito sa bahay at maghihintay ng text ni Sandro.

"Dito lang ako.."

"Ven.." banayad na sinabi ni Sam, malungkot akong tinitigan. "Hindi mo kailangang mamroblema buong araw dito. Isa pa, nawalan ka ng trabaho! Hindi ikaw yung tipo ng taong sumusuko kaagad, imbis na magmukmok dito, bakit 'di ka maghanap ng bagong trabaho?"

"Gusto ko munang magpahinga, Sam. Deserve ko rin naman ang pahinga, hindi ba? Sa susunod na mga linggo, hahanap kaagad ako ng trabaho kung yun ang gusto niyo!" tumaas ang boses ko dahil sa sobrang pagka-irita.

Nagkatinginan si Sam at Miko. Tumayo si Miko at hinawakan si Sam sa braso na tila pinapakalma.

"Ibang-iba ka na ngayon, ah?" paismid na humalukipkip si Sam. "Hindi mo na pinapakinggan ang sinasabi namin sa'yo. Wala namang kaso sa akin kahit hindi ka magtrabaho, Ven. Tutulungan kita, magkaibigan tayo at alam mo kung gaano ko kagusto na tulungan ka sa lahat."

"Pero nakakasama ng loob na pinaikot mo ang mundo mo kay Sandro. Naagrabyadu ka, kamuntikan nang makulong at hindi ako ang una mong naisip na tawagan. Kung hindi ako pumunta sa resto, hindi ko pa malalaman na 'yon ang nangyari.."

Waves of LifeWhere stories live. Discover now