Chapter 32

762 39 21
                                    

Venus

Mas lalo lang akong nakapag desisyon na huwag nang maligo dahil sa pagdating ni Sandro. Inalok siya ng isa sa mga kalalakihan na sa tingin ko'y kilala rin niya ng bottle ng beer at agad niya naman iyong tinanggap.

Hindi tuloy ako magkandauga kung anong gagawin. Si Zoe ay muli nang tumalon sa pool at nakipagkwentuhan sa isang lalaking kaibigan.

I sighed. Bumaling ako sa direksiyon nina Sandro at kaagad na nahuli ang mga mata niyang nakatitig. Imbis na umiwas ay mas lalo pa niya akong tinitigan. Kaagad na kumalabog ng husto ang puso ko.

Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago siya ang unang umiwas. Lumagok siya sa beer at mariing ipinikit ang mga mata na tila may iniinda siya.

His adams apple sexily move when he swallowed hard.

"Venus, cm'on." napabaling ako kay Leandro na iniangat ang sarili niya mula sa pool. Tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang katawan habang lumalapit sa akin.

"Hindi ako maliligo."

"Oh." dismayado niya akong pinasadahan. "Ang sinabi ni Zoe ay mahilig ka mag swimming."

"Pilitin mo siya, Leandro!" sigaw mula kay Zoe na itinaas ang dalawang kamay niya.

Pinanliitan ko siya ng mata. Sino namang nagsabi na mahilig akong mag swimming? Eh minsanan nga lang ako nag siswimming. Kapag mababaw lang yung pool o 'di kaya'y may kasama ako.

"Paano ba 'yan?" humalakhak si Leandro. "Let's go."

Bago pa man ako maka react ay mabilis nang nahuli ni Leandro ang braso ko. Napatayo ako at pilit na pumirmi mula sa kinatatayuan. Zoe cheered. Pilit akong hinihila ni Leandro patungo sa pool habang nakikipagtawanan na rin ang iba.

Tang-ina!

Hindi pa man ako nakakabigkas ng malakas na mura ay nataranta na kaagad ako nang patakbong tinungo ni Leandro ang pool habang hila hila ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata at kasabay ng pagbagsak namin sa tubig ay ang pagkalas ng kamay ni Leandro sa braso ko.

I groaned inside. Umakma akong aahon pero nang mapagtanto na malalim ang kinabagsakan namin at hindi ko abot ang tiles sa ilalim ay kaagad akong nag panic. I tried moving my hands and feet bago ko naramdaman ang unti-unting pag-angat ng sarili ko.

Nice! I'm a great swimmer.

Nagulat ako nang may malakas na bumagsak sa tabi ko. Kasunod ay ang mahigpit na mga kamay na bumalot sa tiyan ko at ang paghila sa akin sa mababaw na parte ng pool.

Inihilamos ko ang palad sa aking mukha nang tuluyang makaahon. Umawang ang labi ko sa matinding paghahabol ng hininga.

"Are you okay?" hinawakan ni Sandro ang balikat ko at inihirap ako sa kanya. Ang isang kamay niya ay nanatili sa aking baywang.

Namilog ang mata ko habang tinititigan siya. Mararahas ang kanyang paghinga, kitang- kita sa pagtaas baba ng kanyang dibdib. At ang mga galit sa mata ay hindi nawala kahit na nahalinhan ng pag-aalala.

Ang puting polo na ngayo'y basa ay dumidikit sa kanyang katawan dahilan nang pagkahantad ng malalapad niyang dibdib.

"I'm sorry, Venus. It was actually for fun." si Leandro sa aming likuran.

Nag-igting ang mga bagang ni Sandro pagkarinig sa sinabi niya. Mabilis niya akong binitawan upang balingan si Leandro.

"You think it's funny?" Sandro hissed at malakas na naitulak ang balikat ni Leandro dahilan nang pag-atras nito.

Nagulat sa reaksiyon niya ay kaagad akong humakbang upang pigilan siya. Ang grupo nina Zoe sa hindi kalayuan ay napatigil, napatayo naman si Vjhall sa kanyang kinauupuan kanina.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now