Chapter 1

3.5K 58 2
                                    

"ASHLEY LET'S go! Ready ka na ba?" Sigaw ni ate Zivawn na ngayon ay nakasuot na ng kanyang bridal gown. She looked so stunning as ever.

"Wait lang naman ate! Hindi ko pa tapos yung sandals ko!"

Wala akong narinig na sigaw mula sa kanya pero naramdaman ko na ang paglapit niya sa akin. Pinandilatan niya ako ng mata. She kneeled in front of me to finish my heels. "Ate! Baka madumihan yung gown mo!"

"Tss. Shut up. Ang kupad kupad mo kasi e. Baka nandoon na yung kuya Patty mo sa simbahan."

"Sure ka bang pupunta yun?" I joked. Sumimangot kaagad ang mukha niya sa sinabi ko pero hindi siya nagsalita. Tumayo na siya kaagad nang matapos niyang ayusin iyong sandals ko. "You're so beautiful, ate. Blooming na blooming pa. Wag mo'kong kalimutan ha?"

Unti-unting ngumiti si Zivawn sa sinabi ko. She's tearing up. "Stop it. Anong iiwan ba yang sinasabi mo? Baka nga ikaw na kaagad iyong susunod sa akin, e. Baka may balak nang mag-propose si Nikko sa'yo."

Biglang nagbago na kaagad ang mood ko. Thinking about how busy Nikko is right now? I doubt that. Siguro nakalimutan niya nang may girlfriend siya eh.

"Ayokong maikasal sa lalaking yun, ate. He's not worth it. Ngayon pa ngang mag-jowa pa kami, wala na siyang oras para sa akin, paano pa kaya kapag kasal na kami?"

Ate sighed and hold my hands tightly, "Gawin mo lahat ng nagpapasaya sayo, Ash... Huwag na huwag kang magpapatalo sa mga tukso... Lalo na kay daddy."

Tumango ako, "I will never, ate. I'm a bitch, remember?"

Natawa kaming dalawa sa sinabi ko. Pagkatapos noon ay sabay na kaming pumunta sa simbahan. Nang makarating kami sa simbahan, ready na ang lahat. Someone told us that the groom's already inside na ikinatuwa naman ni ate Zivawn. She's a lucky girl. Mabuti naman at dumating talaga si kuya Patty, dahil kung hindi, ako mismo ang magpaparusa sa kanya!

"Mauna na ako sa loob, ate ha? Huwag na huwag kang iiyak mamaya, baka mabura yang make-up mo."

Umirap lang siya bilang sagot, pumasok na ako sa loob. Pero hindi ako dumaan sa main door, doon ako sa likod. Baka mamaya mapagkamalan akong bride ano?

Nakarating ako sa loob at umupo kasama ang mga flower girls ni ate. Nag-iisa lang akong bridesmaid, ibig sabihin isa lang din ang bestman ni kuya Patty. Hindi ko kilala ang bestman ni kuya Patty, at wala rin akong balak na kilalanin siya.

I looked in front of the altar when the priest spoke. Sisimulan na ang kasal. I saw how big kuya Patty's smile is while looking at the main door. Nakatayo na ang lahat habang nakatingin sa pintuan na ngayon ay unti-unti nang bumubukas. Iniluwa nito ang isang diyosa.

My ate Zivawn shouts elegance and beauty. She's a masterpiece that God made for kuya Patty.

Super bagay sila. Kuya is handsome and ate is so pretty.

Hinihiling ko rin naman sa sarili ko na sana ay ganoon din ako pagdating ng panahon. I also want to walk in the aisle with the guy who'll love me forever, waiting for me. Yung taong kaya akong intindihin. I'm a bitch. Hindi masyadong maganda ang ugali ko. At gusto kong makahanap ng lalaking kayang intindihin yung ugali ko.

Pero habang nakatingin ako kay ate, bigla akong nalungkot. Wala si Daddy. Wala siya sa mismong kasal ng anak niya. Dapat nasa tabi siya ni ate ngayon at iginigiya ito papunta sa magiging asawa nito. But he isn't here! Ang sama ng ugali niya!

And about ate's mom? She's already dead. Namatay ito dahil sa pangangahasang ginawa ng hindi pa nakikilalang mga tao. Pero hindi ko alam kung bakit kahit kailan, ay hindi nakialam si Daddy sa kasong iyon. She's his wife. Pero parang wala siyang pakialam.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now