Chapter 42

1K 25 0
                                    

Chapter 42

"Bitchy-baby..." My heart skipped a beat when I heard his voice again. Mahigit isang linggo narin ang nakalipas simula nang dumating ako rito sa South Korea para alagaan ang nanay ko.

Mahigit isang linggo narin kaming patuloy na nag-vi-video call ni Kepweng. But damn, ibang iba talaga ang pakiramdam nang video call sa personal. I badly wanted to feel him, to hug him, or to kiss him. Kaya lang wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang magtiis nalang. Pasasaan pa't uuwi rin naman ako sa Pilipinas kasama si Mommy hindi ba?

"Kumusta na nga pala 'yung mga kaibigan mo riyan?"

"Eto, sayang nga't buhay pa ang mga loko eh."

Pinandilatan ko kaagad siya ng mata, "bibig mo Kepweng ah!"

He just managed to chuckle with what I said. "Uwi ka na kasi dito, bitchy-baby... Sama mo na rin si mommy para dito nalang siya magpagaling. We can take care of her together naman di'ba?"

Napangiwi ako sa mga pinagsasabi niya. Conyo na nga, naki-mommy pa sa mommy ko!

"I know you can wait for a month naman di'ba? Let me just settle everything here first. I want my mom to get fully recovered first before I show the real world. Ayoko munang makaramdam siya ng sakit pagkatapak niya agad diyan sa Pilipinas. I want her to heal her heart first."

Nakita ko kung paanong tumango si Keifer sa sinabi ko.

"I understand, bitchy-baby. I understand. But for now, gusto ko munang magpaalam muna sa'yo saglit kasi may unexpected visitor kasi ako eh."

"Who?"

"Uhh, just some business partners. Bye for now, bitchy-baby! I love you!"

"I lo—."

I felt a little pang of pain when he didn't even wait for my reply before ending the call. Tsk! Edi doon na siya sa business partners niya na 'yun! Tang*na niya!

Nakasimangot akong tumayo sa bench at akmang babalik na sa itaas kung nasaan ang room ni mommy nang bigla ulit akong napaupo dahil sa pagkahilo.

Napahawak ako sa ulo ko nang biglang dumaloy lahat ng sakit sa kaugatan ko.

"Ahh!!" Bago pa man ako lamunin ng kadiliman, isang bulto ng tao ang naaninag kong tumatakbo papalapit sa akin habang tinatawag ang pangalan ko.

"GOSH, IS she fine doc?" Rinig kong tanong ng isang boses.

"Yes, sir. Rest assured. It's just one of the symptoms that a pregnant woman could feel. Just please let her rest for now and tell her to avoid getting too much stress. It could definitely harm the baby."

Para akong nabibingi sa mga naririnig ko. I can feel my heart palpitating faster. Hindi ko naman itatangging marahil ay ako nga ang pinag-uusapan ng dalawang boses na iyon dahil sa lapit ng mga tinig nila. Oh gosh.

That's when I decided to open my eyes slowly. Isang puting kisame kaagad ang nakita ko. Dahan-dahan akong lumingon sa gilid only to see Samuel looking at somewhere. So it's him? It's his voice. Anong ginagawa ng lalaking ito rito?

Sa loob ng isang linggo ko rito sa hospital, walang araw na hindi ko nakikita't nakaka-kwentuhan si Samuel. He's a jolly person, kaya naman ay talagang madali kaming nagkasundo.

"Sam?"

His cute eyes widened as he looked at me, "Ash! Are you feeling okay now?" Nag-aalalang tanong niya sa akin habang sinisipat ang noo ko.

"Y-yeah, I'm okay. Now let me ask you, what are you doing here? And what am I doing here?"

I tried to act like I didn't here anything earlier.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat