Chapter 49

941 19 7
                                    

CHAPTER 49

Maingat kong ipinarada ang sasakyan ko bago lumabas at pumaikot sa kabilang pinto para kunin ang anak ko.

He genuinely smiled at me when I opened the door. "Mommy, is tita Clementine good? Mabait po siya?" He innocently asked as I carried him on my arms.

"Yes baby, she's super good. I swear, magkakasundo kayo ng tita Clementine mo. Are you ready to meet her?"

Mabilis siyang tumango. Napailing ako ng bahagya bago pumasok sa loob ng restaurant. Naglibot ang paningin ko sa loob para hanapin si Clementine pero wala akong nakita, kaya naman ay naghanap na lamang ako ng libreng upuan.

Sampung minuto lang ang hinintay ko bago dumating si Clemy.

She entered the restaurant with a bag hanged on her shoulders. Tumingin siya sa paligid na parang may hinahanap, na alam kong ako naman talaga kaya itinaas ko ang kanan kong kamay para kunin ang atensyon niya.

She looked at my way and...smiled.

Damn.

Ngumiti na nga siya sa akin.

But as she steps towards me, her smile slowly faded as her eyes turns to look at my son beside me. Puno ng pagtataka ang mga mata niya, puno ng katanungan.

"Clemy..." I uttered.

"Why are you with a child?" Takang tanong niya sa akin, "is he your friend's kiddo? Bakit ikaw ang nagbabantay?"

Napalunok ako bago ngumiti at tumingin sa kaniya, "he's my son, Clemy. Meet Magnus Rhett. Baby, greet tita Clemy." The last sentence was for my son.

Magnus cutely nodded at me and looked at her tita Clementine who's still shocked with my sudden revelation. "Hello po tita Clemy! I'm Magnus Rhett po, but you can call me Magnus nalang po."

Pinagmasdan ko si Clementine habang nakatingin parin sa anak ko. She looked definitely dumbfounded. Kinailangan ko pang gumawa ng ingay para lang bumalik na siya sa kaniyang huwisyo.

"O-oh, I'm sorry I j-just can't believe this. May anak ka na, Shan? All of a sudden?" She asked.

"I-it just happened." I stuttered.

"How old is he?"

Bigla akong kinabahan sa tanong niya. By just answering her question, I know she'll already have an idea. "5 years old."

"5 years old," ulit niya sa sagot ko na parang may inaalisa siya sa tatlong salitang iyon. "You left us 6 years ago. Does that mean you were pregnant when you left?"

Gusto kong magsinungaling sa kaniya. Gusto kong sabihing hindi. Gusto kong sabihing nabuntis ako dito sa bansang ito pero ayoko nang madagdagan pa ang sama ng loob niya sa akin. Pasasaan pa't malalaman din naman niya ang katotohanan. At kapag nangyari 'yun, at nalaman niya nagsinungaling na naman ako, alam kong lalayo na naman siya sa akin.

"Y-yes Clemy. I was pregnant pero hindi ko alam iyon. Weeks after I came here, saka ko lang nalaman na buntis ako. At iyon yung araw na tumawag kayo at...at nalaman ko ang balita."

Clementine bit her lips, "and the father? Siya ba? Ang lalaking iyon ba?"

Tiningnan ko muna si Magnus na abala sa pagkain niya bago tumuong muli kay Clementine. I closed my eyes and slowly nodded.

"Siya nga. He's the father."

"Oh shi— alam ba niya?!" Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa pagsigaw niya na iyon ay tumaas ang tingin sa amin ni Magnus.

"Galit ka po, Tita?"

"Ah, n-no baby. Hindi ako galit, I'm just h-happy...yes.." utal na baling ni Clemy. Mabuti na lamang at naniwala naman si Magnus at bumalik na sa ginagawa nito. She glared at me. "Alam ba ni Keifer?" That name gave my chest a pang of pain again. Akala ko okay na eh. Masakit parin palang marinig ang pangalan ng lalaking minsan ko naring minahal. "Oh no, obviously not. Wala ka na nga palang contact sa amin. Sa amin nga na mga kaibigan mo wala kang kinausap ni isa eh. Pagkatapos ng video call natin na iyon, wala ka nang paramdam. Sa lalaking iyon pa kayang naging rason kung bakit ka naglaho?"

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now