Chapter 33

1.1K 24 2
                                    

Chapter 33

"Baba ka na, bilis!"

"Eto na nga, eh! Masyado kayong excited!" Inis na sigaw ko pabalik kina Ava na ngayon ay nasa bukana na ng pintuan ng kwarto namin. They're all waiting for me to come out with my things.

Dala ko na ang malaki kong backpack at nagtungo na nga sa kinaroroonan ng mga babae.

"Okay na?" Walang gana kong tanong sa kanila.

Ava just gave me a thumbs up before pulling my wrist. Tangina! Masyadong galak 'tong mga 'to!

Umabot kami sa labas at naroon na nga ang bus na sinabi ni Keifer kahapon. Hindi lang isa, kundi dalawa! Yayamanin talaga! Kakaunti palang ang tao roon at mukhang kami talaga ang nauna dahil sa pagiging excited ng mga babaeng 'to.

"Tara na!" Ava shouted.

Napailing nalang ako habang sumusunod sa kanila. I was on the bus' door when someone suddenly grabbed my wrist. Nanlaki kaagad ang mga mata ko sa gulat. At nang harapin ko kung sino ang gagong taong humila sa akin, namangha ako. It's Khent!

"K-khent? What are you doing here?"

He smiled, "this bus is mine."

My lips formed an 'O' shape. Grabe! "Talaga? Kasama ka rin ba sa outing?"

"Hindi lang ako. Kundi kaming lahat talaga," natatawang sagot niya sa akin.

Napatango ako. So he's coming with the other guys too? Silang lahat talaga?! This is so exciting! Nakangiting nag-angat ako ng tingin kay Khent ngunit nagtaka ako kaagad nang makita siyang nakatingin sa loob ng bus.

Segundo lang ang ipinag-isip ko dahil alam ko na agad kung sinong tinitingnan niya. It's Crystal. Na ngayon ay nakaupo na sa dulo, at alam kong hindi niya kami nakikita ngayon. She looked just so unbothered.

I smirked before pinching Khent's waist. "Ikaw ah? May LQ kayo?"

"H-huh? With who?"

"Tsk! No need to deny it, dude. Alam ko nang nililigawan mo si Crystal. I saw you last time." Napakurap-kurap siya at mukhang nagulat sa sinabi ko. Napatawa nalang ako, "Sige na. Akyat na ako. Magkita nalang tayo sa venue."

Tumalikod ako at nakahakbang na ng isang beses nang hilahin na naman ako ng lalaki.

Ba't ang hilig manghila ng gagong 'to?!

"Wait—hindi ka rito sasakay..." My forehead creased at that.

"Ano?"

"Keifer told me that you're going to ride with him."

Napamaang ako sa sinabi nito, "Bakit naman daw?!"

"Ewan ko rin. Kayo nalang mag-usap."

"T-teka paano 'yung mga kaibigan ko?"

"I'll text Crystal later, no worries. Let's go. Doon tayo sa likod dumaan para walang makakita. Para walang issue."

I blinked, nalilito ako pero sumunod parin naman ako kay Khent. Masyadong siyang mabilis maglakad kaya naman ay binilisan ko ang bawat hakbang ko. Lumevel ako sa kaniya para magtanong. "A-alam mo ba na kami na?"

"Yeah. Alam naming lahat kapag may magandang nangyayari sa kaibigan naming iyon. Hindi niya na kailangang aminin pa."

Napakagat-labi ako. They really are close. Alam na nila lahat ang tungkol sa isa't isa. Kapagkuwan ay napangiti ako.

I'm so happy that Keifer had these kinds of relationship with someone. May mga kaibigan siya. Well, masaya rin naman ako dahil may mga kaibigan rin ako, pero iba parin ang impact sa akin ng relasyon ni Keifer sa mga kaibigan niya.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ