Chapter 66

888 26 3
                                    

Shan Ashley Ramirez

"Fuck, Triton, use that fucking Basuka now!"

Hindi ko alam kung saan na ako titingin dahil kahit saan naman ako lumingon ay may nakikita akong nakaitim na lagi na lamang natatamaan ng bala mula sa kung saan.

Hindi makalapit ang mga ito sa puwesto namin dahil alerto masyado ang mga taong kasama ni Keifer.

"May mga kasama ka, Kepweng?!" Eksaherada kong tanong.

"Yes, it's my friends. They're all surrounding and protecting us."

Wow. Nagtawag pa talaga ng alipores para iligtas ang asawa niya.

Hindi nalang ako nagsalita, dumako ang tingin ko sa hawak kong baril bago tumingin sa baril ni Keifer. Hindi iyong baril na nakatago ha? Iyong hawak niya mismo!

They're using some kind of unusual gun while I'm using a real gun. Kaya natatakot akong tumulong sa kanilang bumaril dahil makakapatay talaga ako.

Balisa narin sina Wyatt at Aaron sa likuran ko. Ang baril naman nilang dalawa ay katulad din nang kay Keifer. Binigyan niya ang mga ito kanina nang hindi ko napapansin. Nakita ko nalang na hindi dumudugo ang tinatamaan nila.

Shit. I just can't stand and wait here.

Hinagilap ng aking nga mata ang daan papunta sa kinalalagyan ni Shalana. Thankfully I found a small hole at alam ko namang hindi nila ako agad mapapansin kapag pumunta ako roon.

I sneaked. Hindi ko na sinayang ang oras ko at nagmadali na akong pumasok sa butas. Iisang daanan lang ang naroon at nagmistulang daan papuntang langit ang nasaksihan ko. Iyong tipong nakikita ko na ang liwanag doon sa may dulo.

Tumakbo ako papunta roon, pawisan na ang buong katawan ko at mabilis na rin ang tibok ng puso ko dahil sa kakatakbo.

"Hi!" Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang lumabas sa dulo si Jonah. "Nagmamadali ka yata, iha? Halika't magkape muna tayo. May inihanda akong mainit na tubig at kape roon, ikaw na ang bahalang magtimpla ha?"

I frowned, "what's with the act, Jonah? Isa na naman ba ito sa mga palabas mo?"

Kumunot ang noo nito na para bang wala siyang ideya sa mga sinasabi ko. Ang galing umarte!

"Ano bang pinagsasabi mo, iha? Kanina pa kita hinihintay, anak. Halika, sumama ka sa akin."

Hindi ako kaagad nakagalaw nang marahan niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kung saan.

Napasinghap ako nang makita ang nakataling si Shalana. Wala itong piring o busal, tanging ang lubid lamang ang nakatali sa kaniya. She looked at me in shock at first, but her face turned to look at her mom who's now looking for a glass.

Seryoso ba ang babaeng ito?

Naglakas ako ng loob na lumapit kay Shalana. Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Jona, pero ang mas ikinagulat ko ay hindi man lang siya nabahala na baka tanggalin ko ang tali at palayain ko ang hostage niya.

"What is she doing?" I whispered, still standin and keeping my eyes at Jonah.

"Isa na naman sa sintomas ng sakit niya. She's acting like she wants to serve her daughter's friend. Iyon ang sakit niya, Shan. Kung ano man ang gusto niyang gawin sa panaginip niya, ginagawa niya. Minsan pa ay tinatrato niya akong kapatid, nanay, kaibigan, at pinakamasahol ay tinatrato niya akong hostage. Katulad kanina. . ."

Napanganga ako sa sinabi niya.

"That was all because of her illness?" Tumango siya. "Then if I untie you now, hindi ba siya magagalit?"

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now