Chapter 43

966 16 6
                                    

Chapter 43

It's Sunday today. A very good day for us. The day of mom's freedom.

Kasalukuyan kami ngayong nag-aayos ng mga gamit namin—Mom's things, to be exact. Kakaunti lang naman iyong damit na dinala ko.

"Uuwi na ba tayo agad pagkalabas natin dito, anak?" Mom asked, slightly turning her heard to look at me.

"Huwag muna siguro, mom. Extend muna natin kahit na one week lang. We could just find an apartment later, I'll ask for Samuel's help with that dahil alam kong marami 'yong alam."

Minsan lang naman akong makapunta sa ganitong lugar, samantalahin nalang din natin.

"Did I just hear my name?" Sabay kaming napalingon ni mommy sa boses mula sa pintuan. And there we saw Samuel. I smiled.

"Yes! We're planning to ask for your help, sana if you have known an apartment nearby? We would like to stay for a week here before we go back to our country, that's why."

"Oh. I have also heard that you've been discharged, ma'am?" Baling nito kay mommy na tinanguan lang naman ng huli. "Congratulations, then. And about the apartment, I would say you don't need one. I have an inn around Seoul, you can stay there for the mean time. No one lived there anyway."

My eyes sparkled with what I just heard.

"Really?! Oh my God, you're definitely an angel from heaven! Thank you so much Sam!"

Napailing nalang siya dahil sa pagiging isip bata ko. Even mom did. Tsk.

Pagkatapos nga naming mag-ayos ay sinamahan kami ni Samuel sa sinasabi niyang inn kanina. And damn, this is just a beautiful inn! Naiiba sa mga nakikita ko sa kapitbahay nila rito. Iba talaga ang nadadala ng bulaklak eh, noh? Kahit gaano pa kaganda ng isang bahay, kung wala rin namang bulaklak na magbibigay buhay sa tahanang iyon, wala rin. But this certain inn Samuel had mentioned is very alive. Kahit nasa kalagitnaan ng nyebe'y nagtitingkaran parin ang mga ito.

"Please enjoy your stay here, Ash. If you you need something, never hesitate telling, okay?"

Tumango lang ako habang nakangiti. Minsan naiisip ko talaga kung paano akong makakabawi sa kabaitang ipinapakita nitong singkit na ito sa amin ni mommy. He's just so good.

Nang umalis nga si Sam dahil sa importanteng gagawin daw niya'y bigla kong naisip na ichat si Keifer. Ulit.

But when I opened my Instagram, I felt neglected again. Hindi na naman siya online, at wala man lang siyang kahit isang reply lang simula pa kahapon. Ang huli naming pag-uusap ay iyong tawag na naputol dahil may dumating na business partner niya kuno. Hindi ko tuloy mapigilang mag-overthink. Pero kahit na ganoon ay pinipilit ko nalang ang sarili kong huwag magpapatalo sa dudang nararamdaman ko.

He's a businessman after all. Baka nga talagang busy lang siya sa trabaho kaya hindi siya makapag-reply.

Yes. I have to think of that.

"May problema ba, Ash?" That was mom, touching my shoulder from behind.

Ngumiti ako ng mapait at umiling, "no mom. I'm fine. We're fine..."

"We?" Naguluhan yata si mommy sa sinabi ko kaya natawa nalang ako ng mahina, "oh, yeah. The baby...haha... you're pertaining to the baby. Pasensya na nalito lang ako." We both chuckled. "Do you miss him?"

"Hmm?" I hummed.

"The father of your child."

Oh.

"Of course I do miss him, mom. Who wouldn't? Lalo na ngayong hindi ko siya nakakausap simula pa kahapon. He's not usually like that mom. Kahit busy yun, hindi niya nakakalimutang ipaalam sa akin ang mga nangyayari sa kaniya. He's always updating me...but now..."

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz