Chapter 29

1.1K 23 2
                                    

Chapter 29

Pagkatapos ng trabaho namin ay agad ko nang natanggap ang text ni Keifer. He sent me the address and I immediately headed there. Hindi ko alam kung bakit nauna na roon si Keifer eh pupwede naman kaming magsabay.

"Mga anong oras ka kayang makakauwi mamaya, Ash?" Tanong ni Crystal na ngayon ay nakasakay din sa kotse ko. Sumabay kasi siya sa akin at May bibilhin daw siya sa mall.

I shrugged, "hindi ko sure. Bakit?"

"Makikisabay parin ako. Sayang pamasahe."

Natawa ako, "ewan ko sa'yo. Paghatid ka kaya sa manliligaw mo 'noh?"

"Ayoko nga! Baka sabihin pang manggagamit ako. Atsaka busy 'yun, kaya ayoko nang abalahin pa." She said, slightly looking down to her feet.

Napailing ako sa sinabi niya. Kunsabagay, mukhang busy naman talaga iyong si Khent. Kaya siguro minsan lang silang nagkikita ni Crystal. But heck? May ganoon bang manliligaw? Hindi man lang naghahanap ng time para sa nililigawan niya?

"Sagutin mo na kasi para end of discussion. Ang slow mo kasi eh. Ba't di ka gumaya sa'kin?" I smirked.

"Hindi ako katulad mo na easy to get lang, Ash. Gusto ko muna siyang kilalanin ng lubusan para naman kapag sinagot ko na siya, alam kong tama ang desisyon ko. I don't want to make things go easy like that."

I snorted, "Oh edi ikaw na." Iyon lang ang nasabi ko nakaabot na ako sa mall na pupuntahan niya. Agad na binuksan niya ang pinto ng kotse ko bago lumabas.  "Ingat ka ha? Huwag kang magpapabudol sa mga dude diyan!"

"Gaga! Mag-ingat ka rin! Huwag ka ring papatusok sa boyfriend mo!"

I shook my head once again at what I heard. Muli ko na namang pinatakbo ang sasakyan papunta sa restaurant na sinabi ni Keifer sa text.

I parked as I reached my destination. Kumunot kaagad ang noo ko nang maaninag ko ang loob. Bumaba ako at naglakad papasok doon nang may makita akong guard.

"Kuya bukas po ba kayo rito? Bakit parang walang tao?"

"May tao naman po ma'am, pero kaunti lang. May limit po kasi kami ngayong araw."

Napatango tango ako, may gano'n? Gusto ko sanang tanungin kung bakit pero hindi nalang ako nag-abala. Pumasok ako dala ang shoulder bag ko. Bilib na talaga ako rito sa Fortaleza. Hindi talaga magpapatalo sa ganda.

Muli akong napalingon sa paligid. I tried to reach my phone and called Keifer. Pero cannot be reached siya. Nagsimula nang makaramdam ng kaba ang puso ko. Nasaan na ba kasi ang gagong 'yun?! Ilang beses pa akong sumubok na tawagan siya pero talagang hindi na siya macontact. Shit. Paano kung prank niya lang pala lahat ng 'to?

Ang hilig pa naman mangjoke-time ang gagong 'yun.

"Subukan mo lang talagang paglaruan ako Keifer malilintikan ka talaga sa'kin!" Mahinang sabi ko.

"Uhm, excuse me ma'am? Is there any problem in here?" Tanong ng isang babae mula sa likuran.

"May nakita po ba kayong lalaki rito? Mga ganito siya kataas tapos pang Korean iyong buhok niya." I asked, hoping that she can give me the answer that I need.

"Kayo po ba si Shan Ashley Ramirez?" Bahagya akong nagulat sa tanong niya pero agad ring tumango. "Nasa taas po si Sir Montairre, ma'am. Sumunod nalang po kayo sa'kin." Lumawak ang ngiti niya at nagsimula na ngang maglakad at iginigiya ako papunta sa second floor.

Unti-unti ko namang naramdaman ang pagkawala ng kaba ko.

So he's here.

Hindi lang ito bastang prank.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now