Chapter 40

1K 19 2
                                    

Chapter 40

"Here, kainin po ninyo ito habang mainit pa. Kailangan niyo 'to para lumakas ka ulit at para pupwede na tayong lumabas sa hospital na'to." Sambit ko habang iniaabot kay mommy iyong pinaluto kong soup sa baba.

"Salamat, anak."

Natuwa naman ako nang mabilis niya iyong kinuha at nagsimula na siyang kumain. It's past 6 in the evening na dito sa South Korea. Kaya malamang 5 pa ngayon sa Pilipinas. Habang nakatingin ako kay mommy, bigla kong naisip si ate Zivawn. Shocks! Hindi nga pala ako nakapag paalam sa kaniya!

"Uh, mom... Do you mind if I make a call for a minute?" Tumango si mommy. Mabilis kong itinipa ang pangalan ni ate sa Messenger ko at naki pag audio call. Mabuti nalang talaga't online pa ang gaga! "Ate!" Mabilis kong sigaw nang makitang sinagot niya iyong tawag ko.

"Oh my God Shan Ashley! Nasaan ka na naman ba ngayon?! It's been three weeks pero hindi ka parin nagpapakita sa akin!" Nailayo ko ang telepono sa tainga ko dahil sa tinis ng boses niya.

"I'm really sorry, ate. Dahil sa pagmamadali ko hindi ko na naisip na magpaalam sa'yo. Nandito ako ngayon sa hospital kung saan naka confine si mommy. "

A few seconds of silence coated us, na parang iniisip pa ni ate kung nasaang lugar nga ba talaga ako. "S-seriously?! Nasa South Korea ka?!"

"Yep. And kasama ko na si mommy ngayon."

"Oh my God! Is she fine? Okay na ba si tita? Can I see and talk to her?!"

I opened the camera and headed back to my mom's bed. She's still eating her soup silently. "Mom, ate Zivawn would like to talk to you." Iniharap ko sa kaniya ang cellphone at nang makita niya si ate ay isang malawak na ngiti ang ipinakita niya.

"OMG! Tita! I missed you so much po! Kumusta na po kayo?"

"Okay naman na ako, anak. Ngayong nandito na si Ashley, alam kong mas magiging maayos na ang kalagayan ko. Hindi ko kasi makayanan ang lungkot habang nandito ako kaya nangyayari ito sa akin eh. Ikaw, anak kumusta ka na?"

Naluha ako sa saya. Alam kong ganoon din si ate na nasa kabilang linya. Tinuturing din na anak ni mommy si ate. Pantay ang tingin niya sa aming dalawa at kahit kailan ay hindi ko iyon ikinagalit o ikinaselos.

"Okay lang naman po ako, tita. And guess what po? I'm married! And currently 6 weeks pregnant po!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at hindi ko napigilang makisali sa usapan nilang dalawa.

"Are you serious with ate, ate?!"

"Yes, of course I am! Baka nakakalimutan mong may OB na pumunta rito sa bahay last time oara tingnan ang kalagayan ko? And it was positive na buntis ako!"

"OMG, ate! I'm so happy for you! Sa wakas magkakaroon na ng baby ang family natin!" I chirped.

"Naku, anak congratulations pala kung ganoon. Mabait naman ba iyang napangasawa mo? Baka mamaya'y sasaktan ka lang niyan?"

"Naku hindi naman po tita. 99.999% po na mabait itong partner ko." Humagikhik pa siya.

"Ay kung ganoon ay mabuti naman. Ito bang si Ashley ay may nagugustuhan na riyan sa Pilipinas?"

Nangunot ang noo ko sa biglaang tanong ni mommy kay ate. Pinanlakihan ko ng mata si ate.

"Naku tita, kung alam mo lang kung ilang lalaki ang naging boyfriend niyang anak niyo rito, mamamangha talaga kayo!"

"Ate!" Hindi ko mapigilang sigaw.

"Naku-naku, ikaw talagang bata ka ha? Totoo ba itong sinasabi ng ate mo?"

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now