Chapter 56

889 26 5
                                    

Matapos ng araw na iyon ay ang araw ng show ko rito sa hotel. Katulad parin ng set-up namin sa Korea ang set-up ngayon. Models, designs, lightings, lady of ceremony, they are all ready. Si Tita Ericka na ang mismong naghanda ng lahat, para siyang si Miss Seo-rang noong nakaraang linggo.

Kumpara sa Korea, mas marami ang tao ngayon, siguro dahil narin sa impluwensya ni Tita. At siguro ay dahil pamilyar sa kanila ang pangalan ko. Habang nakadungaw ako kanina sa audience, marami akong nakitang pamilyar na mga mukha. Ang iba sa kanila ay mga kaklase ko, ang iba naman ay schoolmates ko lang.

Mas kinakabahan din ako ngayon dahil marami na ang nakakakilala sa akin.

Hindi nagtagal ay nagsimula narin ang show, ang lady of ceremony ay mismong si Tita Ericka. Nagsirampahan na rin ang mga models suot ang mga disenyong ginawa ko.

"Now, the most awaited event today! Handa na ba kayong makilala ang babae sa likod ng magagandang disenyong nasaksihan ninyo?" Masiglang hiyaw niya sa madla.

"Yes!" Sagot ng lahat. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"But before that of course, gusto ko lang magpasalamat sa kaniya. Hindi ko pa siya gaanong kakilala pero sobrang gaan na ng loob ko sa kaniya. Napakabait na bata, masipag, at alam kong mapagmahal din siya lalo na sa pamilya niya. Nasaksihan ko iyon. Her beauty can be compared to her designs. Beautiful. Gorgeous. I would like you to meet my...uh, what should I call her?" Pilyong ngumiti si tita sa akin mula sa stage. "Anyway, let's all welcome! Shan Ashley Ramirez!"

Kasabay ng sigaw na iyon ay ang paglakad ko papunta sa kinaroroonan niya. Sobrang liwanag ng kapaligiran, gawa na rin siguro ng lightings at ang mga flashes ng camera ng madla. Sobrang dami kong naririnig na hiyaw habang tinatawag nila ang pangalan ko.

"Good day everyone!" I chirped. "Kumusta kayo?"

Damn. Ang awkward ko, grabe!

"H-hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula. Pero habang nakatingin ako sa inyo ngayon, parang alam ko na. Gusto ko lang magpasalamat sa pagdalo niyo sa show na'to. Ilang taon akong hindi nakabalik dito sa Pilipinas at aaminin kong natakot ako na baka walang dumalo. But look now, you're all here with me..."

"Woohoo! I'm so proud of you ex-classmate!"

Napatingin ako sa gawi ng sumigaw at nang  makita ko kung sino iyon ay bigla akong nagalak. Si Ava! Iyong kaklase ko dati! Ngumiti lang ako sa kaniya ng matamis bago muling binalik ang tingin sa lahat.

"At gusto ko ring kunin ang pagkakataon na ito para magpasalamat sa lahat ng taong tumulong, nagmahal, at... nanakit sa akin. Kung wala kayo, hindi ako magiging matatag at magiging successful ng ganito. You all helped me move on with my life. Hindi ko na kayo iisa-isahin pa dahil batid kong alam niyo na kung sino kayo. Maraming maraming salamat po talaga!"

Namamasa ang mga mata ko at ramdam kong kaunting kilos nalang ay talagang tutulo na ang mga luha ko.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Tita at bigla siyang bumulong, "someone from the audience is staring with you, young lady."

"All of them are looking at me, though."

"Just looking, not staring. Those two are different."

Naguguluhan man ako ay hindi ko nalang pinansin iyon. Pagkatapos ng show ay marami ring pumili ng sarili nilang mga damit. Hindi ko na magawa pang tumulong kina Jonah dahil mabilis na akong hinila ni Tita Ericka palabas.

"Let's go, may mga inassign na ako para tumulong sa assistant mo. Pumunta na tayo sa isang hall ng hotel, nandoon narin ang mommy mo tsaka sina Samuel at Magnus—"

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now