Chapter 13

1.5K 33 0
                                    


Chapter 13

PARA akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang inererehistro sa utak ko ang natanggap kong email.

Pinaglalaruan ba ako ng panahon? Bakit sa lahat naman ng kompanyang pupwede kong pagtrabahuhan, sa kompanya pa ni Keifer?

"Shan! Nandito ka pa rin? Late na tayo!" Tila natauhan ako sa pagtawag sa akin ng isa sa mga kaklase ko. Taranta akong napatakbo kasabay niya.

"Shit!"

May layong 100 meters din ang room namin mula sa cafeteria kaya pareho kaming hiningal ni Ophie. We both reached our room and I felt my heart stopped beating when I saw Mr. Claveria talking in front. Naagaw namin ang atensyon niya kaya agad siyang napalingon sa amin na nasa pintuan pa lamang.

"Explain why you're late for 10 minutes, Ms. Ramirez and Ms. Ozaraga." Nakataas ang kilay ng professor sa amin.

"E-eh kasi sir...a-ano po—"

"May nabully kasi sa cafeteria, Sir. Tumulong lang ako. " Diretsong sagot ko sa kaniya.

"How did you help? Binully mo rin ang bully?"

"Hindi po ako nang-bubully ng hindi bully, Sir. I just can't stand there and watch them hurting someone."

"You can just come straight here para hindi mo sila makita. Why bother?"

"As I said earlier sir, I can't stand seeing someone getting hurt—"

"Okay, Ms. Ramirez. Please take your seat." Putol ni Sir sa dapat kong sabihin na nagpangisi sa akin.

I looked at Ophelia, Ophelia Ozaraga and smirked at her, "That's how you do it, girl. Huwag kang papaapi sa susunod."

Napailing na lamang siya bago nagpatuloy maglakad papunta sa upuan niya. I did the same.

"Lakas mo talaga kay Sir, Ash. Kung ako 'yun siguradong pinatayo pa ako ng sampung minuto bago ako paupuin." Natatawang bulong ni Ava sa akin. I just smiled at her proudly and focused on Sir talking in front.

"So..., Any questions regarding your assigned places?"

Yes Sir. Bakit mo ako inassign sa walang kwentang kompanyang iyon?

Nah- hindi pala ang kompanya, kung hindi ang may-ari.

I want to say that. Pero alam kong hindi rin naman iyon sasagutin ni Sir Claveria. Sometimes, naiisip ko kung bakit niya pa tinatanong kung may tanong kami kung hindi niya rin naman kami pinakikinggan?

"None? You will start your on the job training the day after tomorrow and guys, please do your best guys. Don't make a fuss there and embarrass our school. Is that clear?" He stated.

"Yes sir!" We all answered in unison.

"Okay then, class dismissed. Good bye and goodluck!"

Sir Claveria left the room. Ilang sandali pa ay kanya-kanya na ang mga kaklase kong gawin ang nakasanayan nila. Some are using cellphones, some did some make-up at mayroon ding nagbabasa. At isa ako roon. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa libro. Gusto kong magbasa pero hindi makapagbasa ang isip ko. Pilit nitong iwinawaglit ang mga letrang nasa harapan ko.

Napakunot ang noo ko at alam kong bakas na ang pagkainis sa mukha ko. Mariin akong napapikit.

Bakit kasi masyado akong apektado sa lalaking iyon?

Ang dami kong tanong.

At gusto kong hanapan iyon ng kasagutan. But how?

I'm afraid of getting too close to him. He's a threat for me. Keifer's a threat for my heart.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora