Chapter 32

1.1K 28 0
                                    

Chapter 32

"Seryoso po sir?! Paano po 'yung mga sweldo namin? Makakaltasan po ba?"

"Of course not." Simpleng sagot lamang iyon ni Keifer pero alam kong malaki na ang impact sa mga empleyado niya.

"Ang bait ni Sir ngayon no? Ano kayang nakain?" Bulong ng isang babae sa tabi ko. Is that even a whisper? Bakit naririnig ko?

"Baka naman inspired. Alam mo na, baka may girlfriend." That's true!

"Sayang naman kung ganoon. Kahit masungit 'yan crush na crush ko parin." She giggled.

Nag-init yata ang bunbunan ko at parang gusto ko na siyang sugurin agad. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil nakatagilid ito at nakatingin sa kasama. I want to fucking see her face. Gusto kong makita kung pwede na bang ipanlaban ang feslak niya sa akin.

"Alam mo kung may girlfriend, wala kang panlaban beh, utusan ka lang naman niyan— I mean, tayo pala. Utusan lang tayo at wala nang hihigit pa dun." Buti pa 'tong isa.

"Hindi ako natatakot kung may girlfriend, she's probably not that beautiful as me. Baka mukhang lampaso 'yung mukha nun kung meron man."

Dito na naubos ang pasensya ko.

What I'm feeling right now is not just jealousy, but I felt insulted by someone who shouldn't be the one insulting me. Wala siyang karapatang insultuhin ako kahit hindi niya ako kilala! Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa kabilang tabi ko.

My eyes sparkled when I saw Ophelia holding a mineral water. Great!

"Ophie, pahingi ako'ng tubig."

Ophelia looked confused but then immediately handed me the water. Binuksan ko iyon at nagkunwaring iinom.

But that was not actually my plan.

Sinadya kong ibuhos ang kaunting tubig sa damit ng babae dahilan kung bakit agad siyang napatayo sa gulat.

"What the hell?!" Deserved.

"Hala, sorry po ma'am. Hindi ko po sinasadya—"

"Ikaw?!"

Oh. Siya yung pandak na pumigil sa akin kahapon!

Nanlalaking ang mga matang tiningnan niya ako ngunit agad ring lumalam nang mukhang may narealize ito.

"Sorry talaga..." I faked an apologize.

"I-it's okay... Matutuyo rin 'to maya-maya." Sumulyap siya sa harapan kung nasaan si Keifer. Hiya ka ngayon girl?

Nakakuha pala kami ng atensyon, mabuti nalang at nang umupo si Faith pabalik sa upuan niya, bumalik na rin agad ang atensyon ng mga tao sa harap.

Keifer looked confusingly at me pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Kasalanan mo rin 'tong gago ka! Ang gwapo mo kasi eh!

"Okay, so bukas na bukas din, bibyahe agad tayo papunta sa resort. Prepare everything you want to prepare. Hindi niyo narin kailangang problemahin ang sasakyan dahil may bus ang kaibigan ko, iyon ang sasakyan ninyo. Huwag niyo naring problemahin ang pagkain dahil libre na lahat ng iyon. So, are we now clear?"

"Yes sir!" Masayang sigaw pabalik ng mga tao.

Ano kayang pinaplano ng lalaking ito at mukhang good mood? Or shall I say bipolar? Biglang sisimangot, biglang sasaya. Ang hirap intindihin.

Pero kung May pinaplano man siyang hindi maganda, aba't nandoon ako para suportahan siya— este, pigilan siya. Hindi ko naman kasi alam kung anong tumatakbo sa isip niya, kaya magmamasid nalang ako sa tabi.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu