Chapter 38

1.2K 28 6
                                    

"Here, inumin mo 'to." Mabilis kong kinuha ang ibinigay sa akin ni Keifer. Sakto na Coke iyon at alam kong kaya kong ubusin. Ang init naman kasi rito sa tabing dagat eh! Sinabi ko naman sa kaniya na doon nalang kami sa cottage pero umayaw siya. Tahimik dito sa kinauupuan namin at siguradong walang taong makakakita sa amin.

"Now, can you tell me the reason why you wanted to see me?" He asked in a low voice.

Uminom muna ako bago tumingin sa kaniya, "aalis ako ng bansa after ng OJT ko." Pinagmasdan ko ang mukha niya. Nagtatanong ang kaniyang mga mata kaya naman ay inunahan ko na siya. "I'll go visit my mom, that's why. Gusto ko lang ipaalam sa'yo ng mas maaga."

He looked away. "Ilang araw ka roon?"

"Hindi ko pa alam eh. Depende iyon sa kalagayan ni Mommy. Kailangan ko pang bantayan eh."

I can feel his little sadness but he tried to smile and touched my face. "Take good care of your mom, then."

Nagulat ako sa sinabi niya, "H-hindi ka magagalit?"

"Bakit naman ako magagalit?" Natatawang tanong niya pabalik sa akin.

"Baka galit ka kasi iiwan kita rito eh. Ganoon kasi 'yung mga exes ko, nagagalit sila kapag may mga outings ako or bibisita ako kay mommy."

"Tss. They're all idiots bitchy-baby. She's your mom, so I'll probably let you go. Hindi kita pipigilan lalo na dahil alam ko namang masaya ka. Don't compare to your bastard exes because I'm not them, okay?"

That made me smile so happily. Labis na kasiyahan ang nararamdaman ng puso ko sa mga salitang sinabi niya. I love him so much. At isa ako sa mga swerteng babae sa mundo dahil sa kaniya. He's just so good to be true! Hindi kagaya ng mga naging jowa ko dati.

"Just promise me one thing, can you? Stay away from other guys there. Huwag mo akong papalitan..."

I gasped. I was mesmerized with the tone of his voice. Para siyang takot na ano. Ilang segundo akong nakatulala sa kaniya bago ko naisipang magsalita ulit. Tumawa ako, "bakit ko naman gagawin iyon, aber? Saka na siguro kapag nagloko ka."

His forehead creased, "then you'll never do it dahil hindi naman ako magloloko. I love you so much. Ikaw lang ang babaeng mahal at mamahalin ko kaya bakit ako magloloko, hindi ba?"

I bit my lower lip while slightly nodding.

Seconds later, I felt my boy's hand cupped my face in the softest way he can. Dahan dahan kong naramdaman ang paglapat ng kanyang mga labi sa akin. It was so soft. Full of love and care. Marahan nitong hinahalikan ang aking mga labi, tila sinasabing sa kaniya lamang iyon at wala nang iba pang pwedeng umangkin.

When our lips parted, he smiled at me.

"Mahal na mahal kita, bitchy-baby... Sana kahit na anong mangyari, iyon ang paniwalaan mo..."

I gave him a peck, "mahal na mahal din kita, Kepweng. Palagi."

2 weeks later....

"Oemgee, Vien! Shan! I miss you so much!" Tili iyon ni Clementine nang magkita kami sa mall.

Yes. Tapos na ang OJT ko. Tapos na iyong bakasyon namin sa La Tenta Beach Resort. At ngayon, nandito na ako at bumabalik na sa normal kong buhay.

"Clemy! Pumayat ka lalo ah?" Vien uttered.

Umikot ang itim sa mga mata niya. "Sexy ako, okay? Hindi payat! Magkaiba 'yun."

"Totoo nga kasi! Ano bang pinapagawa sa inyo doon sa internship ninyo? Hindi ba kayo pinapakain?" I asked, dahil halata talaga ang pagkapayat ni Clementine.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now