Chapter 39

950 18 0
                                    

Chapter 39

"Drive me to Hankuk Mental Hospital, please..." mahinang tugon ko sa driver na mukhang hindi naman ako naiintindihan. I flipped my hair as I looked at him again, nalilito ang kaniyang mga mata mula sa salamin doon sa harap at mukhang may gustong itanong pero hindi niya magawa. "Uhm, excuse me? Can you understand me, sir?"

Doon na siya tuluyang lumingon sa akin pero hindi nagsalita. Umiling lang siya sa akin. Damn. Kahit sa pag-iling niya palang ay alam ko nang gusto niyang iparating na hindi niya talaga ako naiintindihan.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. I got my phone out of my bag and opened google immediately. Kung bakit kasi hindi nag-aral ng English ang Koreanong 'to! Kanina pa ako nahihirapan sa lugar na'to. Mula pagbaba ko ng eroplano, gusto nang takpan ang tainga ko dahil sa mga salitang hindi ko naman naiintindihan.

Yes.

Nandito na ako sa South Korea. And I am already two kilometers away from my mom. Ilang oras o minuto na lamang ang aantayin ko bago ko makitang muli ang aking ina.

Mabilis kong itinipa ang translation ng mga salitang ibinigkas ko kanina. And when I showed it to the driver, he nodded and even gave me a thumbs up. Dang. Ang cute ng mata ni kuyang driver ah! Pero siyempre cute parin ang Kepweng ko kaysa diyan!

Napahalukipkip nalang ako sa mga pinag-iisip ko.

It was just a quick ride for us dahil kalahating oras lamang ay nakarating na kaagad ako sa hospital. I payed the driver and bid my goodbye to him. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko hangga't hindi siya nakakaalis.

Nang muli kong iharap ang sarili ko sa gate ng hospital, bigla na lamang akong kinabahan nang hindi ko alam kung bakit. Umiling na lamang ako't huminga ng malalim bago ko inihakbang ang aking mga paa papasok sa ospital. I'm here, mom... Nandito na'ko...

"Excuse me ma'am, how may I help you?" Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa babaeng nagsalita. She seems like a nurse here or something. Mukha rin siyang may ibang lahi, hindi purong koreana. An American I guess? Buti nalang at hindi siya gumamit ng lengguwaheng hindi ko naiintindihan noon tinanong niya ako.

I smiled. "Hi, I'm Shan Ashley Ramirez... I would just like to ask where is the room of Rosario Saavedra? She's a patient."

"How are you related to the patient ma'am?"

"She's my mother." Diretso kong sagot.

"And you just said you're a Ramirez, how come you have different surnames if she's your mother?" Biglang nag-init bigla ang bunbunan ko sa mga pinagsasabi niya. Ano to? Question and answer portion? Ba't di nalang niya sabihin kaagad?! I badly wanted to admonish her but I chose not to. Ayoko namang maging rude noh?

"My parents were not married. Does it answered your question?"

Mukha yatang nakumbinsi naman ang mukha niya at mabilis akong iginiya sa kung saan, of course it's where my mother stays.

Sumakay kami sa isang elevator at ilang segundo lamang ay narating namin ang isang palapag. Palapag kung nasaan ang babaeng nagluwal sa akin sa mundong ito. It's been years, mom... It's been years...

"She's inside, ma'am. She's currently asleep at this very moment, we actually did have some troubles with her earlier that we have to use a sleeping injection for her to stop. You can already see her. I'll call Doctor Bowman so that you two can talk about your mother's condition. Please excuse me..."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis na siyang umalis. I turned to look at the door, at walang pag-aalinlangang itinulak ko iyon.

Bumungad sa akin ang nanay kong nakahiga sa isang malaking kama, ang isang kamay niya'y nakagapos sa likuran ng kama habang ang isa nama'y nakapatong sa tiyan niya.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now