Chapter 25

1.3K 29 0
                                    

Chapter 25

Matapos ang dalawang oras ay tuluyan na ngang nakalabas si Keifer sa hospital. Doon parin kami sumakay sa Van ni Josh. But it was in a different situation and position this time.

Hindi na hinayaan ni Keifer na tumabi pa ako kay Josh, he sat beside him instead. Naroon parin sa bandang bintana si Josh at katabi niya si Keifer. Nasa tabi niya lang ako at sa kabila ko naman ay si Maeve na tahimik lang habang pinagmamasdan ang senaryo sa labas.

Hindi dapat ako naiinis sa kaniya dahil dinamay lang naman siya ni Keifer sa plano nito. But I can't elude it. I really can't. Siguro dahil masyado niyang ginalingan ang pag-arte at talagang napaniwala niya ako. I was fooled. Siguro roon ako naiinis.

I, Shan Ashley Ramirez has been fooled by her.

Tahimik ang buong paligid. Kung hindi lamang dahil sa tunog ng sasakyan, magmumukha kaming nasa lamay. The silence is deafening.

Nagpatuloy ang katahimikan hanggang sa makauwi kami sa KJM. We got out of the car.

Humarap ako nang may bahid ng ngiti sa mga labi kina Josh at sa iba pa niyang kasama.

"Thank you for today guys ah? Atsaka pasensya na at hindi natin nasulit ang buong araw sa mga rides. But don't worry, next time hindi ko na iimbitahan si Boss! Panira kasi ng moment!" They all laughed at what I said.

"No probs, Shan. Just call me if you want to hang-out again. We're always one call away, " Joshua said with a smile plastered on his face.

"Of—"

"Wala nang susunod." Napakunot ang noo ko nang magsalita bigla si Keifer at tumabi sa akin. "She'll not go with you anymore."

"And why is that? Hindi naman namin sila iimbitahan kapag may trabaho. Kapag free lang." Jake said.

"Yeah."

"I'm not saying this as her boss. But as her suitor." Nanlaki kaagad ang mga mata ko at mabilis na nag-angat ng tingin sa kaniya. He's just simply gazing at Joshua.

Nagtatanong ang aking mga mata kung anong ginagawa niya. Shit! Nalaman na ng mga babaeng 'to ang nangyayari sa amin! Mukhang mabubusog ako sa tanong nito mamaya!

I saw how they reacted at what Keifer just said. Nakaawang ang labi ni Ava at Crystal habang nalilitong napatingin si Josh sa akin. I know he wants my answer. I pursed my lips before nodding at them. Alam naman na nila na peke lang ang relasyon ni Keifer at Maeve.

Nalukot ang mukha ni Ava at mukhang may naka-ambang panganib.

"Mawalang galang na sir ha, hindi ko sasabihin 'to as your intern, pero as Ashley's friend. Suitor ka pa lang niya, kaya bakit parang kung makahigpit ka naman ay parang asawa mo na siya?" I was right.

Akala ko'y magagalit si Keifer ngunit ngumiti lang siya, "Doon din naman pupunta iyon. Mas mabuti na 'yung advance." He looked so proud himself.

Ang sarap ilampaso sa sahig! Pero huwag nalang dahil kawawa naman ang guwapo niyang mukha.

"Whatever. Pero hindi ikaw ang susundin namin, si Shan parin ang desisyon. Siya ang susundin namin." Joshua smirked at me.

I rose the side of my lips and looked up at Keifer who's now frowning like a madman. "Ako ang masusunod." Kasabay ng pagsabi ko noon ay ang paghawi ko sa aking buhok. I flipped my hair at the back of my shoulder. "Oh siya sige, Josh, ha? Pasok na kami sa loob para magpahinga. Ingat kayo!"

I waved my hand before turning around and walked inside. Nangangalahati na ako sa paglalakad nang malakas akong napahiyaw nang may isang braso ang humapit sa baywang ko at dinala ako sa isang liblib na lugar. Nasa may isang malaking kahoy kami ng lalaking humila sa akin. I turned around and saw Keifer's grinning face.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora