Chapter 53

959 21 1
                                    

"You bitch!" Pumailanlang ang boses ni ate sa buong lugar na iyon.

"A-ate..."

I looked at her. Kahit na nalilito parin ako sa mga inaakto niya, nagawa ko paring tumingin sa kaniya ng diretso.

Pinag-aralan ko ang mukha niya, and seconds later, her eyes became watery and tears began to fall from her eyes. Inisang hakbang niya ang distansya namin at mabilis akong niyakap.

Pati ako ay naiyak narin habang yakap-yakap siya. Iyon na yata ang tinatawag nilang yakap ng pangungulila. Damn. I missed her so much!

Napuno ng hikbi niya ang hallway kung nasaan kami, "oh.. my poor sister... I'm sorry I wasn't there with you..."

Mas lalo akong napaiyak doon sa sinabi niya. Ilang minuto ang tinagal ng yakap namin sa isa't isa bago kami nahimasmasan. She then looked at me with her wet face. Akala ko'y mga luha niya ang una niyang pupunasan pero mas binigyan niya ng atensyon ang mga luha ko.

She wiped my tears with her two hands and slightly massaged my swollen cheek. Iyong pisngi na sinampal niya kanina.

"Masakit ba?" Hindi ko alam kung nag-aalala pa siya o nagiging sarkastiko na.

"Malamang, masakit talaga! Bakit mo ba ginawa iyon?" Sa kabila ng pangungulilang naramdaman ko ay nagawa ko paring itaas ang isa kong kilay.

"Matagal ko na talagang gustong gawin iyon. Dahil siguro sa bigla ka nalang naglaho na parang bula at hindi ka man lang lumapit at humingi sa akin ng tulong. I felt definitely like a useless sister to you."

Umiling ako, "no you're not. Pinili kong gawin iyon dahil gusto kong lumaban ng mag-isa. At isa pa, you were with a child in your womb that time, baka ma-stress ka lang kapag dinamay pa kita sa problema ko." Turan ko.

"And you really think hindi ako na-stress habang iniisip ko kung ano nang nangyayari sa iyo?" She ranted.

Napayuko ako bigla, "sorry ate..."

I felt her hands gripped mine, "I'm sorry din, because I wasn't there. Simula ngayon, wala nang takbuhan. Hindi ka na maglalaho dahil hindi rin naman ako papayag, once is enough. Six years is enough. We have to fight and resume our lives, okay?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko bago tumango.

Pinagmasdan ko si ate Zivawn. She looked like a hot momma now. Kahit chubby na siya ay kitang-kita parin ang kurba ng kaniyang katawan. Kahit may mga nagbago sa kaniya, she still looks so elegant and beautiful.

She's really my sister.

"Siya nga pala, ate. Paano mo nalamang nandito ako?"

"Ericka Montairre. Kaibigan siya ng mommy ni Patty, and she told him about you being here in this hotel kaya naman ay nagmadali kaagad akong pumunta rito."

Maliit lang ba talaga ang mundo o talagang mapaglaro lang itong si tadhana? Sino na naman kaya ang makikilala kong kakonekta rin sa pamilya ko?

"Where's your little angel now? Gusto ko siyang makita, ate!" Kumislap ang mga mata ko.

"She's with Patty, may piano lesson siya today kaya sila ng Dada niya ang magkasama."

Piano lesson? Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 5 years old palang ang batang iyon. Oh well, nakalimutan ko, may banda nga pala si kuya Patty.

"Baka paglaki niyan sumali na kaagad sa banda ng Dada niya," natatawa kong turan.

"Yeah, alam ko na ang patutunguhan." Naiiling na natatawang sambit ni ate.

"Lalaki ba siya ate?" Kapagkuwan ay natanong ko.

"No, she's a girl."

I nodded and smirked, "mine's a boy."

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now