Chapter 15

1.5K 32 3
                                    

Chapter 15

My eyes roamed the whole cafe to look for my friends. And when my gaze went to the window, I saw them talking and chitchatting with the boys. At saka ko lang nalaman na hindi pala itong bastang cafe lang. Iyong inuupuan nila ay may apat na upuan. No, it was some kind of sofa. Dalawang upuan na kasya ang dalawang tao, at dalawang upuan naman para sa iisang tao lang.

Silk-stocking. Ba't hindi ko alam ang cafe na'to? This kind of cafe deserves popularity. Masyado na ba akong nahuhuli sa mundo at hindi ko nalaman na may ganito pala sa Fortaleza?

I walked towards them.
My friend is just silently following my lead.

Pinanatili ko ang nakakunot kong noo habang papalapit sa pwesto nila.

"Ang sabi niyo streetfoods." Paghihimutok ko habang umuupo sa isang sofa na walang nakaupo. Magkatabi kasi sina Lury at Clemy habang magkatapat naman sina Aizan at Vien.

So, there's actually no choice for Keifer but to sit beside me.

"Hindi nagtitinda ng streetfoods iyong suki namin eh. At ayaw naman naming magtry ng iba, loyal kami—ay ako lang pala." My right brow raised at what Lurusus said.

"Huwag ka nalang umangal, te! OA nito." Clemy interrupted. Umirap pa ang gaga!

"Clementine! Nagtanong lang naman ako ah? Sampalin kita riyan e, gusto mo?!" I said, pissed.

Nagbago kaagad ang mukha ni Clemy nang banggitin ko na naman ang buo niyang pangalan. "I hate you."

"Yeah. Me too." I disregardfully said, "May milktea ba rito?"

"Yes, anong flavor ang gusto mo?" Keifer asked me.

"Chocolate." Nakangiti kong sagot sa kaniya habang ipinagkrus ang aking mga binti at sumandal sa upuan.

"Hey, wait! Bati na kayo? Bipolar kayo." Biglaang sambat ni Aizan na halata ang pagkalito sa mukha.

Nagkibit-balikat lang ako at hindi nagsalita.

"You're hurting my feelings, Kei! Bakit siya lang tinatanong mo? Ba't kami hindi?" Nagkunwari pang nasasaktan si Lury habang hinahawakan ang dibdib.

"Nauna kayo rito, Lurusus! Ba't di kayo umorder? Walang kamay?"

"Si Shan din ba walang kamay?" Aizan mocked.

"Tangina niyo tumahimik kayo! Sumama nalang kayo sa akin at sabay tayong mag-order."

"K!" Tumatawang tumayo silang dalawa at sumunod kay Keifer. I turned my looks into my dear friends and they're also looking at me. Confused.

"What? Kayo? Umorder na kayo?"

They both nodded, "sinabi na namin sa kanila kanina." Vien crossed her legs and looked at me intently. "How did you know them?"

Ayan na.

Nagsisimula na ang interview.

"Si Keifer 'yung sinabi kong kaibigan ni kuya Patrick. Iyong pinag-stayhan ko noong nawala ako." Walang pakealam kong sabi. Alam ko na namang mangyayari 'to. I already expected much for me to feel any kind of nervousness or what.

"Oh my God. You stayed inside a room?! Kayong dalawa lang?!"

Napapikit ako sa hiya nang may kalakasan ang boses ni Clemy habang tinatanong iyon.

"Lower your voice, please? Nakakahiya ka. And yes, we stayed inside a room and what's the matter with that?"

"Nothing. Single naman kayong pareho kaya ayos lang. And we won't bother asking you if you two had sex since it's already obvious. Magpills ka 'te ha? O kaya gumamit kayo ng condom. Baka hindi ka pa tapos sa kurso mo lumaki na iyang tiyan mo. Mahirap na."

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now