Chapter 18

1.3K 31 0
                                    


Chapter 18

"Good morning, girls! I am Maeve Schaefer, secretary of Mr. Montairre. Sumunod kayo sa akin, kanina pa kayo hinihintay ni Sir." Nakangiting bati ni Ma'am Maeve sa amin. She looked young, beautiful and slim.

Sumunod nga kami sa kaniya papunta sa itaas.

Mayroong building dito. And I bet this is the working building. Siguro nandito rin iyong tutulugan namin ng mga kasama ko. Posible. Dahil sobrang laki naman kasi ng building! Parang palasyo ang laki!

Tapos napapalibutan naman ng mga bulaklak ang building na ito. Kung hindi lang talaga colorful iyong mga bulaklak, aakalaing nasa isang magandang kagubatan ka.

Nawala ang atensyon ko sa paligid nang makitang nasa harap na kami ng isang pintuan.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan habang nakatingin sa pintuang ngayon ay unti-unti nang nabubuksan ng sekretarya ni Keifer. They went inside and I left here alone outside. Ugh! Shutanginga naman, Shan! Nakadrugs ka ba?! Bakit ka ba kinakabahan?!

Ipinilig ko muna ang ulo ko bago dahan-dahang inihakbang ang mga paa ko papasok sa opisina. Dang. Buti nalang at hindi ako napansin ng mga kasama ko dahil nakatutok lang sila sa harapan. Someone's talking already. A male voice.

"Feel free to observe my employees today, everyone. You, interns, should be disciplined enough. Ayoko nang tatanga-tanga sa trabaho. Ayoko nang tutunganga lang kayo kapag may ipagawa ang secretary ko sa inyo. Understood?" He said.

At dahil nasa likuran nga ako, hindi ko masyadong makita ang mukha ni Keifer. Pero sa boses niya palang, ibang-iba na siya. Ganito pala kapag nasa trabaho? He sounds really hot and different. Bossy.

Gagi! Bossy ang friend ko!

"Yes, Sir!" The girls answered in unison.

"Good. And who's at the back? Why don't you show yourself to me?" Napapikit ako ng mariin.

Damn! He's referring to me!

Dahan-dahan akong lumabas mula sa likuran ng mga kasama ko at ngumiti kay Sir Kepwen—ay este, Keifer. "Good morning, Sir..."

Nagtaas siya ng kilay. "Why didn't you show yourself to me earlier? What's your name? Where's your document?" Napamura ako sa isipan ko.

He's playing! Really, Kepweng?! Ni hindi man lang siya ngumiti sa akin. Alam kong iniiwasan niyang malaman nina Ava na magkakilala kami pero naiinis parin ako!

I got my documents inside my bag and quickly gave it to him. He immediately looked at the first page and slowly nodded. Ang galing mong umarteng, Kepweng ka!

"Shan Ashley Ramirez." Usal niya bago isinarang muli ang documents ko, "as a punishment of hiding earlier, you have to sit at that table beside mine. Nagkakaintindihan ba tayo?" He pointed the said table. Damn! May dalawang table kasi rito sa office niya.

Gusto ko na siyang sipain sa inis pero hindi ko ipinahalata.

Umaarte ka? Pwes ako rin! Hindi ako magpapatalo sa'yo!

"Why do I have to do that, sir? Am I not supposed to be with my classmates? We're all interns here, so why do you have to give me a punishment?"

Kumislap ang mata niya habang nakatingin sa akin. Ramdam ko rin ang kaunting pagkalabit sa akin ni Crystal na parang ipinapahinto ako sa ginagawa ko.

"Should I drop you then? Madali namanakong kausap. I can directly tell your instructor— or better yet, your university head, that their student here, is not disciplined enough. Baka ibagsak ka nila. Baka gusto mo iyon, Ms. Ramirez?" He let out a smirk.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now