Chapter 30

1.3K 20 0
                                    

Chapter 30

⚠️ Warning: Slight SPG ahead!⚠️ Bawi sa tagal hindi nakaupdate hehe, enjoy reading babies!

"Bilis makahanap ng kapalit ah?"

Nikki said while leaning on the wall, looking at me with a smirk on his lips.

"Excuse me?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Is he the one who were you with last time? Iyong Montairre?" Pinagtaasan rin ako ng kilay!

"Oo bakit? May problema ka?"

"Wala naman...just wondering if he's happy with you." Parang may ibang ibig siyang sabihin.

Ipinagkrus ko ang dalawang braso sa harap ng dibdib ko, "Of course he's happy and why wouldn't he? At ano naman iyon sa'yo? Akala mo ba ikaw lang ang marunong magloko, Nikki? I am me. At hindi ako nagpapatalo sa kahit kanino. Noong tayo pa, may nangyayari na sa amin ni Keifer. Habang nagpapakasaya ka sa ibang babae, nagpapakasaya ako sa ibang lalaki. Ang saya di'ba? And I'm too dumb to cry when we broke up. That was the biggest mistake I made in my life..."

I smiled sweetly at him bago ko siya  iniwan doon nang nakaawang ang mga labi. Alam kong nagulat siya at hindi inaasahan ang sasabihin ko.  Sinadya ko rin talagang sagiin ang braso niya.

He was just saying sorry last time. Parang seryoso siyang humihingi sa akin ng tawad nang mga panahong iyon pero bakit parang iba na siya ngayon? Parang may iba talaga siyang agenda.

"You will never be happy with him, Ash." Pahabol niyang sabi sa akin.

"None of your business!" Hindi ako lumingon at sa halip ay iwinagayway ko lang ang kamay ko sa ere.

"And he'll never be happy with you!"

Ayokong paniwalaan. Ayokong isapuso ang mga sinabi niya.

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Negativity is always following me wherever I go. Paano kung hindi masaya si Keifer sa akin? Or if he is, how about someday? Mawawalan na ba siya ng gana sa akin?

Ipinilig ko ang ulo ko. Today's a special day! Let that negativity away for now, Shan! Please! Unang araw palang 'to ng relasyon niyong dalawa tapos ganiyan na kaagad ang iniisip mo?!

Bumalik ako sa table namin ni Keifer pero wala na siya roon. Nasaan na naman iyon?! I saw the waiter not far from my position that's why I asked him.

"Nakita niyo po 'yung kasama ko kanina?"

"Lumabas po eh, hindi ko alam kung saan napunta."

I nodded after thanking him. Lumabas? Saan naman kaya pumunta? Baka mamaya iiwan niya na pala ako rito! Nagdadalawang isip ako kung uupo ba ako o aalis nalang para hanapin siya. Pero sa huli, naupo parin ako at umasang babalikan niya ako kung nasaan man siya ngayon.

Kumain nalang ako ulit.

Mawawalan na sana ako ng gana nang biglang makita ko sa peripheral vision ko ang bulto ng boyfriend kong papalapit na ngayon sa kinauupuan ko.

I glared at him, "where the hell have you been?"

"Nag-cr lang din ako. Bakit?"

I pouted, "I thought you already left me."

"Why would I do that?"

"Malay ko sa'yo." Sumubo ako ulit habang siya naman ay naupo na ulit sa upuan niya kanina.

"I heard you talked to him..."

Natigil ako sa pagsubo ng pagkain sa sinabi niya, "nino?"

"Your ex, obviously."

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora