Chapter 60

937 25 8
                                    

Keifer Joshua Montairre

"Subukan mo lang mag-ditch bukas sa family bonding natin, Kepweng at talagang malalagot ka na sa akin." Banta iyon sa akin Tita.

"I'm not gonna ditch, okay? Ilang beses ko nang sinabi iyan sa'yo, tita." I snorted.

"Just wanna make sure. I know you're stubborn."

Hindi ko mapigilang umirap at mapakamot sa ulo ko.

May gaganapin daw'ng bonding bukas kasama ang buong angkan ng mga Montairre. It was like a reunion. Pero hindi ko alam kung bakit hindi man ako na-e-excite.

WHEN THE DAY comes, I was busy looking for a proper suit. I just wore a black and white tuxedo paired with black shoes.

Shalana's wearing a simple dress that suits her body.

Shalana's sexy, but I'm not attracted to it at all.

She's beautiful, but I can only remember one person having that face.

Shan Ashley.

Malakas akong napabuntong-hininga at ipinilig ang ulo ko upang maalis ulit ang iniisip ko. Damn. I missed her so much!

Nauna na si Tita sa venue. Naroon na rin siguro halos lahat ng kamag-anak namin, including of course Khent.

"Hindi ba ako kakainin ng mga kamag-anak mo, Keifer?" Shalana suddenly said while sitting on the passenger seat, making herself comfortable.

Natawa ako, "bakit ka naman nila kakainin?"

"I mean, ngayon lang nila ako makikilala hindi ba?"

I sighed, "yes, tandaan mo lang ang dahilan kung bakit natin ginagawa 'to. We need to have the courage to face them. Matatapos din ang lahat kaya huwag ka nang mag-alala."

Tumango siya at ngumiti, "I'm waiting for that day, Keifer. Ang araw na magiging malaya na tayong pareho."

Napatingin ako ng diretso sa kalsada, I took a really deep breath and said, "me too. . ."

Nang makarating kami sa venue ay talaga ngang marami na ang naroon.

Unang sumalubong sa akin si Tito Lixidus, pinsan ito nina mommy at tita Ericka.

"Keifer! It's nice seeing you! Kumusta ka na?"

"Still the same, Tito. How about you? Nangangamoy forever young ka ah?" I said with a grinning aura.

"Oh well, alam mo naman tayong mga Montairre, habang tumatanda ang edad, mas lalong bumabata ang mukha!" Humagikhik agad si Tito matapos sabihin iyon. His eyes darted on the woman beside me, "oh, is this your wife?"

"A-ah, yes, Tito. . . She's S-shan. . ."

Nakagat ko ang labi ko sa pangalang lumabas sa bibig ko.

Ang alam ng lahat ay may asawa na ako, pero hindi nila kailanman malalaman ang totoong pangalan ni Shalana. Wala ring nangyaring seremonya ng kasal.

"Oh hi, iha. Please make yourself comfortable. O siya, balik muna ako sa Tita Edlyn mo ha? Alam mo naman iyon, kapag nawawala ako sa paningin ay talagang nagwawala rin ang utak."

Natatawang tumango ako habang tinatanaw ang paglalakad ni tito. Nakatayo lamang kaming pareho ni Shalana habang tinatanaw ang iba. Mayroong mga bumabati sa amin pero agad din namang umaalis.

Damn. This is so boring as fuck.

Gusto ko nalang umuwi at matulog.

Bumuntong hininga ako.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now