Chapter 37

1.2K 21 0
                                    

Nanlilisik na mga mata ng mga kaibigan ko ang bumungad sa akin pagkabalik ko sa hall na iyon. Hindi pa man sila nagsasalita, alam ko na kung bakit mukha silang Biyernes santo sa posisyon nila ngayon. Nasa gilid na sila at mukhang nakuhanan yata ang bilang ng mga taong nagsasayawan sa gitna.

"Bakit kayo natigil sa pagsasayaw?" I asked.

Umismid si Ava, "may nangyaring sakuna kanina. Masyado kang nagpakasaya kaya hindi mo alam."

"Ano ba kasing nangyari?"

"May nagsuntukan. Nagselos yata iyong si Kuyang chinito doon sa lalaking mukhang referee sa boxing ring kaya ayun, dapa." Chinito? Sino naman kaya iyon?

"Grabe ka naman maka-referee 'te! Ganda ka?" I raised a brow.

"Siyempre!"

"Eh ano nang nangyari? Nasaan na sila ngayon?" Marites lang, Shan?

"Mukhang nasa room niya na si kuyang chinito, mukha yatang kakilala iyon nina Khent, sila kasi 'yung umawat sa kaniya." Ows.

Si Aizan kaya 'yun? Baka nga!

"Hindi na kayo sasayaw? Baka naman pwede na tayong mag-swimming..." I pouted.

"Ang ginaw kaya! Hindi ka ba giniginaw? Pass muna ako. Bukas nalang."

Mas lalong humaba ang nguso ko sa sinabi ni Crystal. Tinignan ko rin pareho sina Ophie at Ava pero ganoon din ang reaksiyon nila. Dang! I badly want to swim right now!

"Bahala na nga kayo! Ako nalang mag-isa kung ayaw niyo!" Parang batang tumalikod ako sa kanila nang hindi man lang hinintay pa ang sasabihin nila.

Pero nang makalabas ako sa hall, doon ko na naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Kinilabutan yata ako sa lamig pero tuloy parin ako sa paglalakad papunta sa dagat. I was on my way when I saw a waiter carrying a glass of wine. Lumapit ako sa kaniya, "Can I have one?"

"Ah, opo!" Mabilis niya nga akong binigyan ng isang basong wine. Ngumiti ako sa kaniya bago nagpatuloy muli sa paglalakad.

Bawat paghakbang ng aking mga paa ay may kasamang pagkabog ng aking dibdib. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Kinakabahan ako pero hindi tumitigil ang mga paa ko sa paglalakad. Nagpatuloy ito hanggang sa maabot ko na ang dagat.

Sumimsim ako sa baso bago huminga ng malalim. Gabi na pero nakikita ko pa naman ang lahat dahil sa liwanag na naibibigay ng malalaking lampara. I was busy appreciating the view when I felt something-no, it wasn't something. It's someone, from my side.

Mabilis akong lumingon sa gilid ko at ganun na lamang ang pagkabog ng dibdib ko nang makita kung sino nga ba ang narito. Isang beses akong napahakbang paatras at humarap sa kaniya. She's just about 3 meters away from me pero ramdam ko parin ang tensiyon sa pagitan naming dalawa.

She also looked shocked to see me. Pero hindi kagaya ko, ngumiti siya at humakbang papalapit sa akin.

"H-hi?" Napatigagal ako.

Hindi ako kaagad nagsalita dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.

"I know what's running inside your head right now. At kung tatanungin mo kung alam ko kung bakit nangyayari 'to, pasensya na pero wala rin akong alam..."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. This time, I looked away from her before sighing. Tumingin ako sa nagniningning na mga ilaw sa dulo ng dagat. "Naguguluhan ako..."

"Ganoon din naman ako." Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin at tumingin rin sa dagat. "Can I say a word to you?"

Tumango ako, "words."

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now