Chapter 62

959 23 3
                                    

"Anak! Kumusta na si Magnus? Ayos na ba? Ano raw'ng nangyari?"

Natatarantang mukha ni mommy ang pumutol sa katahimikan namin. She held my hand and faced me. Kasunod nito sina Samuel at Chaeyoung na alam kong nag-aalala narin.

"P-paano niyo nalamang nandito kami?"

"Nasa mall din kasi ako kanina anak, tapos nakita ng kasama ko na may nahimatay daw na bata at nang tingnan ko ay si Magnus pala. Hindi kaagad ako nakasunod kasi tinawagan ko muna si Samuel para sabay narin kami. How's my grandson?"

"T-type O. Kailangan niya ng type-O na dugo mommy. At hindi ko alam kung saan ako kukuha nun. . ."

Napatakip nalang ako ng mukha. Impit na akong napahagulgol nang maramdaman ko ang paghawak ni Samuel sa balikat ko.

"Type-O ako. I can donate blood to Magnus. Where's the doctor, Shan?"

Para akong binunutan ng tinik sa sinabi ni Samuel. Agad akong nag-angat sa kaniya ng tingin at sa kabila ng aking mga luha ay nagawa ko paring ngumiti sa kaniya.

Itinuro ko na kaagad sa kaniya ang kuwarto kung saan siya kukunan ng dugo.

"T-thank you so much, Sam. . ." I uttered. Samuel just replied with a genuine smile.

Nang makapasok siya sa loob ay bumalik ako kaagad kina mommy. Hindi pa man ako nakaabot ay napatigil na ang mga paa ko sa paglalakad.

Bumigay muli ang dibdib ko nang makita kung paanong natutulala si Keifer habang nakasandal sa pader. Damn. What did I do?!

Ngayon ay hindi ko na alam kung paano siya haharapin.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hinarap muna sina mommy. "Puwede niyo po ba muna kaming iwan, mom?"

"Yes. Babalik din ako maya-maya."

I nodded. I slowly turned to look at Keifer who's stir staring on the floor. "Bakit nandito ka pa? Umalis ka na." I don't know where I got the courage to say that, but yeah, I did.

Dahan-dahan siyang nga-angat ng tingin sa akin. Parang sinakal ang puso ko nang makita ko ang kaniyang mga matang puno ng emosyong hindi alam kung ano. Pain, guilt, happiness. . . I don't know.

"I-i heard it right, right bitchy-baby?"

Napasinghap ako, "can you please stop calling me with that fucking nickname?!"

"Then tell me that I heard it right. Tell me, p-please. . ." His eyes started to get watery.

"You're right. You heard it right. He's your son. Now what?" Mapait kong sambit.

His lips trembled and I can feel his body shaking. "H-he's really my son. . ." He said. "H-he really is. . ." Ulit niya.

"Now what if he's your son? May magbabago ba, Keifer? Wala naman di'ba? Kaya kung maaari, layuan mo na kami ng anak ko. We're happy without you. And I know you are too. May sarili ka nang pamilya. You have a wife who can give you happiness kaya pakiusap, let's stay the same."

"How can you even say that? He's my son! Tapos sasabihin mo lumayo ako sa anak ko?! Limang taon ko siyang hindi nakasama! Limang taon mo siyang itinago sa akin! And now you're seriously telling me to leave the two of you alone?! How can—"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang malakas ko ipinadapo ang palad ko sa pisngi niya.

"Itinago? Ang kapal naman ng mukha mo! Bakit parang kasalanan ko ang lahat? Baka nakalimutan mo kung bakit nangyayari ang lahat ng ito? Puwes ipapaalala ko sa'yo! You cheated on me. You married another woman while I was away for just weeks! Kasalanan mo kung bakit hindi mo nasaksihan ang paglaki ng anak mo. Kasalanan mo kung bakit magulo ang sitwasyon natin ngayon!"

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now