Chapter 28

1.1K 31 0
                                    

Chapter 28

Inalalayan ako ni Keifer umupo sa couch. He sat beside me and sighed. Kaya hindi ko mapigilang mag-alala sa kaniya. "You okay?"

Tumango lang siya bago lumingon sa akin, "how about you? Okay ka lang? I'm sorry about Faith, earlier. Kapag kasi wala si Maeve, siya iyong nauutusan ko. Kaya siguro hinarang ka niya kanina dahil nakalimutan kong sabihin sa kaniya."

"That's not what I saw," I whispered. "Parang iba eh."

"Huh?" Nalilitong tumingin siya sa akin. His brows furrowed.

"I think she likes you." Diretsahang sabi ko.

Hindi lang bastang empleyado ang tingin ng babaeng iyon kanina. Ewan ko ba. Pero parang iba talaga ang dating niya sa akin.

Akala ko'y tatanggi si Keifer sa sinabi katulad na lamang ng ginagawa ng ibang lalaki pero nagulat ako sa sinabi niya, "That's possible though. Sino bang hindi magkakagusto sa akin?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ako nagsalita.

Proud pa ang gago! Sarap sikmuraan!

"Edi diyan ka na." Akmang tatayo na sana ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko. That brought me sitting on his lap now. Napaigik pa ako saglit sa ginawa niyang iyon. My body stiffened. Napatitig ako sa kaniya.

Shit! Huwag kang marupok Shan Ashley!

A smile curved his lips-no, it was like a smirk.

"Huwag ka na kasing magselos. Kahit ilan pa ang magkagusto sa akin, ikaw parin naman ang pipiliin ko..." He said playfully.

Napakurap-kurap lang ako habang nakatitig sa kaniya. Kahit ako ay hindi alam kung ano ang nangyayari sa akin. My eyes are glued on his eyes. Na pagkatapos ng ilang segundo ay nalipat na sa mga labi niya. Damn! Why do I feel like kissing those lips?

At dahil ako si ako, hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis kong inilapat ang mga labi ko sa kaniya. He was caught off guard but I know he adjusted quickly when I felt him returning my kisses. He kissed me aggressively like there's no tomorrow.

Humigpit ang hawak niya sa baywang ko at ang isang kamay niya naman ay nasa mukha ko.

He's so addictive. His lips smells like avocado but tastes like strawberry. Is that the reason why I'm addicted to it? Because it taste like my favorite fruit?

Ilang minuto ang itinagal ng mga labi namin sa isa't isa bago ko ito pinutol. I was panting, looking at him.

Ngumiti ako, "Huwag mo na akong ligawan."

His eyes widened, "H-hey... bakit? May nagawa na naman ba akong hindi mo nagustuhan? Is it about Faith? Do you want me to fire her?"

"Pinagsasabi mo? Anong pakialam ko sa babaeng iyon eh pandak naman 'yun." Nakasimangot kong sabi. "Basta huwag mo na akong ligawan." I said, still sitting on his lap.

"Bitchy-baby naman..." Nahihimigan ko na ang takot sa boses nito na ikinatawa ko ng mahina.

"Bakit mo pa ako liligawan kung boyfriend na kita?"

Saglit kumunot ang noo nito. Umawang ang labi niya at muling sumara. Parang may gusto itong sabihin pero hindi niya masabi. Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago kinagat ang mga labi at hinila ako papalapit sa kaniya.

He hugged me.

Sobrang higpit ng yakap niya sa akin na parang ayaw niya na akong pakawalan. Ako naman ngayon ang napakagat labi. I'm suppressing myself not to cry in pure happiness. He's too genuine.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now