Chapter 67

789 19 2
                                    

"Oh? Gulat ka? Gusto mo ulitin ko. Hindi. Kita. Anak!"

Naramdaman kong nanginig si Shalana sa tabi ko kaya naman ay agad ko siyang inalalayan.

Shit! Buntis pa naman 'to!

"A-ano... Ano po bang sinasabi niyo, mommy? Isa na naman ba ito sa role playing na nangyayari sa isip mo? Anak niyo po ako. Kayo po ang nagluwal sa akin. . ."

"Ni minsan hindi ko naranasan ang magluwal ng bata! Oo nga't may pumasok sa pempem ko pero walang ibang lumabas doon kung hindi tamod! Naiintindihan mo? Ha?! Walang batang lumabas sa pagkababae ko!"

"Ano ba! Kung gusto mong saktan ang anak mo ay huwag mong daanin sa ganito!" Napasigaw na ako sa galit.

"Bingi ka ba o tanga ka lang talaga?! Sinabi nang hindi ko anak 'yang babaeng 'yan eh! Pareho lang kayong dalawa! Magkapatid nga kayo!" Dumura itong muli.

"Of course we're sisters. Pareho kami ng ama!"

Napansin ko ang mariing pagtitig ng matanda sa akin bago ngumiti na parang baliw, "ama? Sigurado ka diyan, iha? Ha?!"

"Shan, anak!" Lahat kami ay lumingon sa babaeng paparating.

"Mommy! Anong ginagawa niyo rito. N-nasaan si Magnus?"

"Iniwan ko muna kay Samuel. Anak naman. . . Bakit mo naman ipinapahamak ang sarili mo?" I felt her hug. Napatingin ako bigla kay Shalana na ngayon ay nakatingin din sa amin. I feel so sorry for her.

"Wow! Ano to? Reunion?" Jona cutted us.

"Walang hiya kang babae ka! Anong ginawa mo sa anak ko?!" Akmang susugurin ni mommy si Jona nang pigilan ko ang mga kamay niya.

"Anong ako? Kita mong nasa loob ako ng kulungang 'to tapos tatanungin mo kung ano ang ginawa ko sa anak mo? Sa. . . Mga anak mo?"

All of us gasped. Hinawakan ko ang kamay ni Shalana at ramdam ko ang panlalamig nito.

The atmosphere is way too hot and awkward.

Hindi ko narin alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa dami ng nasaksihan at nalaman ko ngayong araw na ito.

"What are you trying to say?" Mommy Rosario asked Jona.

Tumawa ito, "I think katangahan really runs by blood, eh? Hindi ko anak iyang babaeng 'yan! Hindi mo ba maramdaman ang sarili mo dugo, Rosario? Dati paman ay ayaw ko na sa'yo. You took everything away from me. My scholarship and my boyfriend. . . Kaya kinuha ko rin sa'yo ang anak mo, at alam mo bang sobrang nasisiyahan ako sa tuwing nakikita ko iyang batang iyan? Dahil sa tuwing tinutusok ko ng karayom ang maliliit niyang balat, pakiramdam ko'y sinasaktan din kita..."

"H-how dare you?!" Hinawakan ng kabilang kamay ko si mommy para pakalmahin.

"At sa tuwing humahagulgol siya habang pinapaso ko siya ng kandila, pakiramdam ko'y nasusunog na din kita. . . That's heaven for me, Rosario!"

"Ikaw ang dadalhin ko sa impyerno'ng hayop ka! Wala kang puso! Mas masahol ka pa sa hayop!"

Pakiramdam ko'y puputok na ang ugat ko sa kamay dahil sa pagpipigil kong hablutin ang ulo ng babaeng ito.

How dare she?! Sobra-sobra na ang ginawa niya!

Hindi na tao ang dapat na itawag sa kaniya! She's a monster!

Kasabay ng pagdamba ni mommy sa rehas at paghablot niya sa buhok ni Jona ay ang pagbagsak ni Shalana sa sahig. Mabuti na lamang at naalalayan ko ang pagbagsak niya kaya hindi ito masyadong malakas.

Fuck!

"Nurse! Nurse tulong! Tulungan niyo kami!"

Isang nurse ang nagmadaling lumapit sa amin.

"Hindi lang naman siguro mga baliw ang kaya niyong pagalingin, hindi ba? Please, look after my sister. Buntis po siya at baka kung anong mangyari sa baby!"

"Yes ma'am, may visiting OB po kami ngayon."

Dinala nila si Shalana sa isang room at doon tiningnan. Binaling ko naman ngayon ang atensyon ko kay mommy.

"M-mom. . . Tama na po iyan, baka mapaano po kayo. . ." Dahan-dahan niyang binitawan ang buhok ni Jona mula sa loob ng rehas. Bumagsak sa sahig si Jona na magulo na ang buhok at may dugo narin sa ilong pero wala na akong pakialam. She deserves it. She deserves it more than she deserves it.

"A-anak. . . A-anak anong nangyayari? Hindi ba ako nananaginip? Dalawa ang anak ko? S-so. . . it was all true. Hindi panaginip at imahinasyon ang nakikita ko sa isip ko. Dalawang sanggol ang iniluwal ko. Dalawang magagandang sanggol ang nabuhay sa araw na iyon. P-pero wala na akong maalala matapos niyon. May ipina-inom ang komadrona sa akin noo at sa tingin ko ay iyon ang dahilan. Magkasabwat sila. . . Ipinaghiwalay kayong dalawa ng kambal mo, anak. . . Anak ko si Shalana. . ."

Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil panay ang hagulhol nito.

Hindi rin masyadong maka-react ang katawan ko.

Parang hindi ko maabsorb ang nangyayari.

So, talagang kapatid ko si Shalana? Hindi lang sa ama kong malandi kung hindi pati narin sa ina?!

"Shhh. . . Tahan na po mommy. . . Kailangan niyo po ng lakas para harapin si Shalana. Para harapin ang lahat ng ito. You need to calm down. . ."

Slowly, she calmed down. "N-nasaan nga pala ang kapatid mo?" Biglang tanong niya.

"N-nasa room 12 po siya. Hinimatay siya, siguro dahil na rin sa mga narinig niya."

"Diyos ko, sana walang mangyari sa magiging apo ko. . ." She said.

"Magdasal nalang po tayo..."

We stayed outside Shalana's room. Iniwan namin si Jona roon nang nakadapa.

Pinagmasdan ko si mommy habang nakatulala siya sa harap. Mugtong-mugto na ang mga mata nito dahil sa kakaiyak niya kanina pa. Hanggang ngayon ay natatakot parin ako para kay mommy. Ang sabi pa naman ng psychiatrist niya dati ay iwasan niya ang sobrang kalungkutan at stress dahil baka matrigger na naman ang mentality niya.

Hinawakan ko ang kamay niya upang kunin ang kaniyang atensyon. She looked at me tiredly.

"Mag-papa-DNA test po ba kayo?" I asked.

Dahan-dahan niya akong nilingon bago pagod na ngumiti at umiling, "hindi ko kailangan ng DNA test, Shan. Nanay ako. Alam ko kung sino ang nanggagaling sa akin. Ramdam ng puso ko na anak ko si Shalana. Na kapatid mo ang batang iyon. Unang kita ko palang sa kaniya, nakilala na siya ng puso ko. Kaya lang mas nauuna ang takot at mga what ifs ko. What if hindi naman talaga totoo ang nararamdaman ko? What if pinaglalaruan lang ako ng tadhana? What if dala lang iyon ng sakit ko kaya kung ano-ano na lamang ang naiisip at nararamdaman ko? Sobrang daming akala, anak. Pero ngayong may nagsalita na tungkol dito, napagtanto kong mali na naman ako. She's really my daughter. Anak ko si Shalana. At maraming taon ang nasayang, maraming taon ang lumipas nang hindi ko man lang nagampanan ang responsibilidad ko bilang ina niya. . . O kahit sa iyo anak. . . I was never a good mother to both of you. . ."

Parang pinisil ng paulit-ulit ang puso ko sa mga salitang lumabas sa bibig ng nanay ko.

Damn.

Tumulo na naman ang luha ko pero agad ko iyong pinunasan.

I hugged her tightly, letting her feel that she's being loved and cared. Hinaplos ko nang marahan ang likod niya.

"You were the best mom I could ever ask for. Ang tapang mo, mommy. . . Ang tapang mo dahil hanggang ngayon, nandito ka parin kasama namin. Pinaglaruan man tayo ng tadhana sa loob ng mahabang panahon, atleast magkasama na tayo. Let us turn the table now, mom. . . Tayo naman ang dapat sumaya. Let's be happy with each other. . ."

And there, she hugged me more tightly while I stayed there, feeling her sobs and tears.

Alam kong sa puntong iyon ng buhay ko, marami na naman ang magbabago.

Muli ko na namang bubuksan ang kasunod na kabanata ng buhay ko...

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now