Chapter 23

1.2K 28 0
                                    

Chapter 23

"Did you guys have fun?" Bungad ko sa kanila nang tuluyan na silang makababa mula sa rollercoaster. My forehead creased when I saw how Ava— no, all the girl's face already looked so haggard. "Gosh. You guys look pathetic!" I mocked.

"Tumigil ka, Ash! Kahit haggard kami at least naman masaya, di'ba? Eh ikaw masaya ka ba rito sa baba?"

I shrugged my shoulders before nodding, "Of course I am happy! Di'ba Josh?"

"Yeah. We talked about some personal things earlier."

"Like what?" Crystal asked.

"Something that you shouldn't know because it's just for the two of us. Tumigil ka na sa pagtatanong at ayusin niyo na ang mga sarili niyo. Nakakahiya kayong kasama kapag maglalakad tayong ganiyan kayo." I rolled my eyes.

Sumunod naman ang mga ito at dali-daling nagpaalam para pumunta sa restroom. "Sundan ko lang sila ha?" I looked at Josh.

Pero bago pa ako tuluyang nakaalis ay rinig ko pa ang kaunting pag-ubo ni Keifer na parang may pinariringgan ito. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. I just smiled at him before turning my back.

Paulit-ulit akong napapalunok habang tinutungo ang restroom.

Damn.

Pwede ko bang kontrolin ang puso ko?!

Pwede ko bang ipagkasundo ang isip at puso ko?!

Sinasabi ng isip ko na layuan siya pero 'yung puso ko sinasabing ibigin ko siya. Ano ang susundin ko?

Ako lang naman ang nasasaktan dito. Ako lang naman ang kawawa. At alam ko sa sarili kong hindi ko kayang tanggapin ang ideyang iyon. As I always say, I don't want to be a loser just because of him. Kaya kahit pilit pa siyang pumapasok sa isipan ko, ipinilig ko na lamang ang ulo ko at mas binilisan ang paglalakad ko.

"Hi!" I shouted as I saw the girls retouching themselves.

Ngayon ko lamang napansin na hindi pala sumama si Maeve sa mga kaibigan ko. Napaismid ako. Mukhang binabantayan niyang maigi ang boyfriend niya ah? Takot na siyang maagawan? Ano siya? Guard?

"Hoy babae! Mag open-up ka nga sa amin! Kanina pa talaga namin napapansin iyang mga pasimple niyong artehan ni Sir ah. Akala mo ba hindi naman nakikita?" Masungit na litanya ni Ava habang nakataas ang isang kilay.

"Shut up, Bitch. Ano bang sinasabi niyo?"

They exaggerately gasped, "Kaya ka ba hindi sumama kanina sa rollercoaster dahil sa kaniya? Are you using Joshua as an excuse? As what we've seen, friends should be close to each other. Di'ba sabi mo friends kayo? Pero hindi naman ganoon ang ipinapakita ninyo. You looked much close to Joshua pa nga kahit kanina palang kayo nagkakilala e."

Mas lalong nangunot ang noo ko, "What?"

"Stop the what what, Ashley bitch! May problema kayo ni Sir? Away friend? Or away lovers? LQ?"

I nervously shook my head, "Sabi nang wala eh. At kung may problema man, sa akin 'yun. Hindi sa kaniya. And it would be too awkward if I act close to my boss in public, you know? Lalo pa't nandiyan ang girlfriend."

Ibinalik ni Crystal at Ophie ang foundation pabalik sa mga bag nito.

"E anong tingin mo sa relationship nina Maeve? Laro laro lang? Girlfriend girlfriend, ganon? Naku huwag kang oa Ash ha? And don't deny it ever again dahil hindi rin naman kami maniniwala. Ang mabuti pa, sabayan mo kami sa paandar namin mamaya. You'll have fun with that!"

Kapagkuwan ay bigla akong kinabahan sa sinabi ni Crystal. What are they planning to do, really?

Naghilamos lang ako ng kaunti bago kami tuluyang lumabas ulit para puntahan ang iba pa naming mga kasama.  Nang makarating na kami sa kinaroroonan nila, I saw Joshua leaning on the tree while looking at his phone. Keifer's just silently sitting on the bench while Maeve's clinging on his arms.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now