Chapter 57

960 28 7
                                    


"Hi bro, it's nice meeting you." Sambit iyon ni Samuel habang inilalahad ang kamay niya sa harapan ni Keifer. Hindi man lang ba siya nabahala sa anunsyo ni tita? Kailan pa ako nagkaroon ng asawa?

"Hi, nice to meet you." Napamulagat ako sa ginawang pagbati ng lalaking nasa harapan ko. He wasn't looking at Samuel who's offering a hand shake, instead, he was looking directly to me. Matatalim ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Kepweng! What's with the rudeness? Can't you see what Mr. Samuel is doing? Hindi mo dapat siya binabalewala, kung alam mo lang na may sariling hospital 'yan doon sa Korea!"

"I don't care, Tita. And I didn't ask about his life." Diretso niyang sabi habang tinitingnan ang tita niya.

"Aba't —"

"Stop it, Tita. Kumain nalang po tayo. Iyan naman po ang pinunta namin dito di'ba?" Acting cold now? 'Di bagay.

"Umayos ka Keifer, ha? Pinapunta kita rito dahil gusto kong makilala mo sila!" singhal ni tita.

"Why do I have to know them, though? What's my business with them?!"

"Kailangan bang magkaroon ng dahilan para makilala mo sila? Ipinakilala kita dahil gusto kong makahanap ka ng ibang kaibigan. That's business, Keifer. Hindi pupwedeng paikot-ikot ka lang sa matagal mo nang kakilala. Humanap ka ng iba." Paliwanag ng ginang.

"Exactly, tita. Exactly." Walang pakialaman niyang tugon. Lumihis ang makahulugang tingin niya sa akin na parang may nais siyang sabihin.

"Are you guys fighting?" All our attention darted into my son.

Mabilis na umiling si Tita, "no baby, we're just talking, hehe, it's some kind of a normal conversation we had."

Tumigil ang paghinga ko nang makitang nakatitig si Keifer kay Magnus. Mabilis akong gumawa ng kilos para mawala ang atensyon niya sa anak ko, "Magnus, eat ka na ha? Don't mind the adults. Feed him, Sam." Mahina lang ang pagkakasabi ko sa huling linya, nagsusumamo rin akong nakatingin kay Samuel na sana ay sakyan niya nalang ang mga sasabihin ko.

"Yeah sure, babe," he smiled and winked on me. Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko. Kung nasa normal na sitwasyon lang sana kami ngayon ay nabatukan ko na talaga siya.

"Pwede na ba kaming umalis, tita?" Napatingin kami kay Keifer nang sabihin niya iyon kasabay ng pagbitaw niya sa kutsara. Dinig din ang malakas niyang pagbitaw dito na para bang may galit siya sa inosenteng kutsara na iyon.

"Whatever. Bahala ka na, Kepweng. Umalis ka kapag tapos na tayong kumain. Sayang naman ang mga pagkain kung hindi natin uubusin, galing pa man din ito sa Ainez's Restaurant, karangalan ang makakain ng ganito kasarap na putahe." She said while smirking.

Ngayon, napagtanto ko na. Na walang alam si Keifer na alam ni tita na magkakilala kami. That we're exes. At natutunugan ko na rin ang pinaplano ni tita sa mga nangyayari ngayon. She wants to know Keifer's reaction upon seeing me. At mukhang nag-eenjoy nga talaga siya sa nakikita niya.

Wala nang nagsalita matapos ng sinabi ni Tita. I sweat, this is one of the most awkward moment of my life. Balisa ako at hindi ako makagalaw ng maayos. Ni hindi ko nga magawang pakainin ang anak ko na ngayon ay nasa hita parin ni Samuel.

Tahimik lang ding kumakain si Shalana sa tabi ni Keifer. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon, kung na-a-awkwardan din ba siya katulad ko, o nagagalak sa mga pangyayari. She's too hard to read.

Nararamdaman ko ang paminsan-minsang pagtingin sa akin ng dalawang mag-asawa. Dumagdag iyon sa pagiging balisa ko.

Lord, nasaan na ang powers ko? Pwede na lang ba akong maglaho ngayon din at nang makatakas naman ako sa eksenang ito?

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now