Chapter Nineteen

15 2 0
                                    

Fourth Team

I pursed my lips once the team was announced. The student eyed us with curiosity. May nagulat at may iilang humanga. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. I can't believe it! All my hard work has been paid off. Lahat ng mga trainings at pag-aaral ay nabawi.

Some of the team are familiar to me but others are not. The head of the team is from the second year, Livy Balker. Pangalawang misyon niya na ito. Wala pa kasing napili na leader kaya siya na lang ang nirekomenda ng mga mangasiwa. I don't know her yet. The cutter of our group is Amayac Halsen. The primary defenses are Lunarex Mireille, Dian Silver and of course me. The medic is Van Erason while the sniper is Trik Azur.

May umakbay sa aking balikat kaya napalingon ako. It's Cris. Ngumisi siya habang nakatingin sa'kin. Sa likod niya ay si Lupitha na nagbabasa sa malaking screen habang si Lunarex naman ay walang ganang tinignan ang paligid.

"O ngayon, anong pakiramdam?"

Ngumuso ako sa kanya. "Nakakagulat syempre." napalunok ako.

Tinawanan niya ang reaksyon ko. Bumuntong hinga ako at bumaling kay Lupitha na hanggang ngayon ay abala pa rin sa screen.

"Ngayon pala ang pagbabalik nila Calloway?" tanong ni Lupitha sa sarili na narinig din namin.

Napatingin din ako sa announcement sa baba. Ano na kaya ang sitwasyon nila ngayon?

"Let me guess, may schedule ka ngayong hapon 'no?" si Cris.

Lupitha sucked a breath and rolled her eyes. "I hate dressing them.." she murmured.

After we went to the function hall bumalik kami sa aming klase. Ang sabi raw ni Lupitha ay kasama siya sa tutulong sa mga cadets na uuwi sa academy. Kung tutuusin, mas nakakapagod ang ginagawa ni Lupitha kumpara sa'min pero parte rin naman sa kanya 'yon bilang training.

Since, I was selected as one of the primary defense of the fourth team, I need to double my schedule because of virtual training. Sa paraang 'yon ay para kana ring nakikipaglaban sa mga mutants. It stimulates virtual surrounding like were on the actual Erthomia scene.

Mag-isa akong nag-aaral sa library matapos ang klase. Wala munang pasok ngayon dahil sa preparasyon para sa darating. I meticulously scan the pages as I read. Nasa dapit hapon na kaya wala masyadong tao sa library dahil nasa mga kanya-kanyang trainings sila sa mga oras na ito.

Biglang bumukas ang malaking pinto sa library pero pinagsawalang bahala ko ito. Baka estudyanteng gustong mag-aral. When I got the information I need on that particular book, I put in back on the aisle seven. I reach up the book to place where it belong. Matapos mailagay ito ay kumuha naman ako ng panibago. The old scent of the pages lingers my nose as I open it mid-pages. Sinara ko ito. Pagkalingon ko ay halos mabitawan ko ang libro dahil sa presensya ni Lew.

"Lew!" gulat na ani ko.

Tumitig siya sa'kin bago nagsalita. "Lunarex said I could find you here. I heard about the announcement." matamang sabi niya.
 
"Uh, yeah.." usal ko.

Inayos ko ang librong dala at napalingon sa kanya.

"Mr. Jefferson wants to personally talked to you. Nakausap na niya ang mga ka-team mo kanina lang." sabi niya.

Sinamahan niya ako patungo sa monitoring lab. I was fascinated by the white walls and blue leds. Pansamantalang binigyan ang mga team ng ID para lab upang makapasok ito sa virtual training. Wala pang sa'kin kaya si Lew ang sumundo sa'kin.

When we get there, the busy staff was tapping on the holowall. They're all wearing head phones and such while manipulating it. On the other hand, I notice a man who's standing on a glass wall and looking down below. Nakapamaywang itong nakatalikod sa'min.

Alzacar AcademyWhere stories live. Discover now