Chapter One: Meet Aika

994 43 7
                                    

Aika Blythe POV

Pagpasok ng hideout ay sumalubong ang maiingay na tao sa loob. May mga sumasayaw at nag-iinuman na animo'y isang bar ang lugar.

"Nandiyan na ang bida ng gabi" announce mula sa stage na aking ikinangisi. Taas-noo akong naglakad habang ang mga kamay ay nasa aking bulsa. Ang atensyon nila ay nakatuon sa akin.

'Ako lang 'to, ano be?!'

"I'm so proud of you. You did a great job, Aika" bati ng manager ko na sumalubong sa'kin sabay abot ng kanyang kamay na aking tinanggap.

"I told you, magagawa ko yun in just one day" sabi ko sa mayabang na tono. Nang sinabi n'ya sa'kin ang gagawin ay alam ko na kung ilang araw ko lang itong magagawa. Napakadali lang no'n para sa akin.

Ako lang naman si Aika Blythe Porter. Sikat na assassin under the BloodVelt Organization. Walang may alam na may ganitong uri ng trabaho dahil ang pagpatay ay illegal sa batas ng bansa pero tama lang naman 'dibang pumatay kung ang papatayin ay wala ng dulot sa mundong ibabaw at ang ginagawa ay puro perwisyo nalang? Kung hindi kayang gawin ng gobyerno edi ako ang gagawa para sa kanila. Madali lang naman.

'Binuhay ako para pumatay ng demonyo'

"Ai," napatingin ako sa kaliwang direksyon nang may tumawag sa'king pamilyar na boses.

Rhuzelle.

Bahagya nya kong tinapik sa balikat. May hawak itong wine glass na may lamang red wine. "Tara, doon tayo at nandiyan sila Luke at ang iba pa" aya nito. Agad naman akong nangiti nang marinig ang pangalan ni Luke. Parang nakikita ko ang mga pulang puso sa paligid at sabay-sabay na tumitibok para sa'kin.

I can't define my love for Luke. All I know is I love her eternally.

Luke Silvano is my boyfriend for three years. He is awesome, an assassin too. Have a possessive and authoritative atittude but I am lucky to have him. He's very nice and wonderful partner. I can't live a day without hearing nor looking at my boyfriend.

"Love," paunang sabi n'ya nang makalapit kami sa kanilang table. Naglakad siya papunta sa'kin para salubungin ako ang mahigpit at mainit na yakap na sinabayan ng halik sa noo.

I feel respected and safe when he's doing that.

Tuloy ay nangibabaw ang tuksuhan ng mga kapwa namin assassin na ikinatawa nalang namin. Hindi namin sila inintindi bagkus ay tiningnan namin ang isa't-isa. Bahagya akong nakatingala dahil hanggang baba niya lang ako.

"Okay ka lang ba? Walang nagyaring masama sa'yo?" alalang tanong niya. Halata naman sa tono at mata niyang nag-aalala siya kaya tumingkayad ako at hinalikan siya sa labi. Saka ako matamis na ngumiti.

"Okay lang ako Love. Masyadong weak ang kalaban kaya madali lang" nagyayabang kong sabi na ikinatawa niya. Ginulo niya ang buhok ko. "Have you eaten?" Tanong ko sa kan'ya saka tiningnan sila Cabrix at ang iba naming kasamahan. Iginaya niya ko sa table naming magkakaibigan. Ipinaghila niya ko ng upuan saka siya umupo nang makaupo ako sa upuan'g hinila niya para sa akin.

Kasama namin sina Humpprey, Cabrix, Rhuzelle at Shainah. Ito ang grupo ko slash kaibigan. Lahat kami dito'y couple. Si Cabrix ay boyfriend ni Shainah habang si Humpprey ay kay Rhuzelle. Kami ang Three Devil Couples kung ituring ng iba. Kami kasi ang pinakamataas sa lahat ng assassin na narito dahil kaya naming pumatay sa loob lang ng tatlo hanggang apat na araw. Ganiyan kami katinik at karahas na kalaban.

"Congrats Ai. Hanep ka rin 'no? One day lang ang tinagal ng panot na yon. HAHAHAH" natatawang turan ni Cabrix na tinawanan rin ng iba.

"Well?" Sabi ko sabay kibit ng balikat. Nagyayabang lang.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now