Chapter 11: Auxiliary

188 18 0
                                    

Yhuan POV

"Grabe Uno, lumabas na naman demonyo mong pagkatao hahaha! Muntik mo nang mapatay 'yong tao" natatawa kong sabi. Ngumuso si Blake na parang bata.

"Masakit Alliah" nakangiwing sabi ni Blake saka humawak sa pulsuhan ni Alliah. Kasalukuyan siyang ginagamot ni Alliah. Nilalagyan ng gamot ang sugat at bukol na natamo niya noong laban nila ni Aika. Si Alliah ay tunay na doctor at talaga'ng siya ang gumagamot sa amin kapag nabaldado. Syempre, auxiliary rin siya. 

Blake 'Uno' Alcaraz. Uno dahil sa aming apat siya ang pinakamalakas at pinaka-inaasahan ni King. Computer Expert.

Kierxten 'Dos' Vazquez. Siya ang Martial Arts and Bomb Expert. Siya nagtuturo sa mga baguhan para maging malakas.

Syempre ang pinakagwapo sa lahat, ako. Yhuan 'Tres' Pontella. Gun Expert. 'Pag barilan usapan, aba Tres ang kailangan.

At ang huli pero ang pinaka-brutal sa aming apat, Alliah 'Kwatro' Mondreal. Ka-tandem ni King sa patayan. Kapag usapang pagpatay ng brutal sa kalaban, si Alliah agad ang hanap ni King.

"Nagulat kasi ako noong sinugod niya ko. Nasaktan pa ko sa ginawa niya. Ang liit-liit pero 'yong kamao, kayang pasabugin mukha ko hehehe" natatawang aniya na nagpatawa rin sa'min.

May split personality si Blake dahil sa katalinuhan. Nagkahalo-halo ang ideya sa utak niya. Nag-iiba ang ugali niya kapag nasasaktan at nagagalit.

Lahat kami ay inampon ni King. Pare-pareho kaming mga bata noon nang makita niya kami sa kalsada na marungis at mabaho. Inampon niya kami at pinakain. Inayusan, pinag-aral at hindi itinuring na iba. Kaya malaki ang utang na loob namin kay King kasi wala kami rito kung wala siya. Hindi big deal sa amin ang pagiging mafia niya dahil alam namin kung para saan iyon.

"Blake, always do your best to control your emotion. It's not healthy for anyone if you hurt someone without enough reason. I guess, you were not drinking the medicine I gave. Am I right?" Striktang sabi ni Alliah habang nilalagyan ng gasa ang noo ni Blake na nakanguso na ngayon na parang bata. Katulad ni King, Doctor din si Alliah.

'Businessman na, Doctor pa! Oh sa'n ka pa? Sa'kin ka na!'

"Eh wala naman kasi akong sakit Alli" nakangusong sabi niya habang nakatingala kay Alliah. Nginiwian siya ni Kwatro.

"Blake, recommended din ni King 'yan diba. Kung malalaman niyang hindi mo iniinom ang gamot na pareho naming sinabi sa'yo na inumin, magagalit iyon sa'yo" mahinahong sabi ni Alliah na inaayos na ang gamit niya.

"Ay oo nga pala hehehe. Wag mo ko isumbong ah. Iinumin ko na 'yong gamot daily" nag-puppy eyes pa si gago na kinagiwi ko.

"Ready na ang pagkain" agad nanakam ang bagang ko nang marinig ang sinabing iyon ni Kierxten! Chef kasi siya kaya kapag siya ang nagluluto ay nananakam talaga ako!

"Yun oh! Shhkk... sakto 'yan!" Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa kusina ni King.

Pero ang pananakam ko ay napalitan ng pandidiri dahil sa mga hitsura ng pagkain. Hindi naman sa panghuhusga pero parang gano'n na nga, ang mga pagkaing nakahain ay hindi pamilyar sa mata ko at parang hindi magiging maganda ang tama sa abs ko.

"Nakakain ba ito?" Nakangiwing tanong ko sabay tusok ng aking daliri sa hindi ko malaman kung anong klaseng karne. Kung karne ng baboy, manok o tao.

"Oo tanga! Recipe ko yan kaya masarap yan" proud niya pang sabi! Nasundan ko ng tingin si Kierxten na pumunta sa lababo at naghugas ng kamay.

"Sigurado ka? Mukhang sasamain tiyan ko dito eh" alinlangan kong sabi. Kumuha ako ng tubig sa ref ni King at nagsalin sa baso. Kailangan kong uminom ng tubig para hindi mabigla ang tiyan ko. Kailangan kong maging handa sa lasa ehehe.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now