Chapter Nine: Caught

187 15 0
                                    

Aika Blythe POV

Napahinga ako ng malalim dahil sa boredom na umiikot sa loob ng opisina. Masyadong tahimik at malamig. Alas dos y media na pero hindi pa rin bumabalik si Ysmael. Tapos ko na ang lahat ng pinapagawa niya.

Tumingin ako sa laptop na nakasara na ngayon. I turned it off also for him to not doubt if I used this or not. Totoong kinakabahan ako sa katotohanang, lalabas ang katotohanan isang araw. Kung saan, magkakaroon na ng mukha, pangalan at grupo ang nasa folder na iyon. Mangyayari iyon kapag nahuli niya ko.

At paniguradong kapag nahuli niya ako ay patay ako.

Maaaring mas malala sa mga pinatay niya ng una o hindi ganoon ka-brutal tutal ginagawa ko naman ang trabaho niya.

Nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag-text. Bahagya akong natawa dahil sa nabasang pangalan

From: Rhuzelle the bitch

Hoy, babaeng mataray pero hindi naman umabot sa ganda ko ang kalingkingan. 4:00 pm dito sa The Rozen Bar. No buts, no reason nor complain. It's friendship day gurl so hintay ka namin

Napangiti ako nang makita ang date ngayon sa wallpaper calendar ko. November 25, 2017. Ito ang buwan, araw at taon kung kailan kami nagkakilala. Dumaan sa iba't-ibang pagsubok na nagpatatag sa amin sa paglipas ng panahon. They stand as my siblings who can defend me all over the times. They making me love when I don't love myself. They pull me in the light when I chose to be in the dark. They laugh at my sillyness but they always here when I am in trouble.

That is the Three Devil Couples.

Sila ang tumayong pamilya ko noong inabandona ako. Inampon ako ni Sir Liam noon at malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Hindi libre ang lahat dahil kailangan kong maging assassin para ipagpatuloy niya ang pag-ampon sa'kin.

'He taught me to be an evil'

And I thanked him for that. He made me to be brave.

Luhence Ysmael Sevrious

Sooner or later, I will assassinate him. Either my information is enough or not. I will kill him first before he kill me.

"Hayy" hikab ko nang makaramdam ng antok. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit saka idinayukdok ang ulo sa mesa bago ipinikit ang mata. I will take a nap until the demon arrive.

Third Person POV

Magkasalubong ang kilay na bumalik si Luhence sa kumpanya. Dala ang inis mula sa hideout dahil sa natanggap na balita.

Ang shopping mall sa New York ay pinasabog ng kaniyang kakumpitensiya mula sa underground world. Maraming establisyemento at tao ang nadamay sa pagsabog na nangyari.

'Assholes!'

Wala naman siyang pakialam sa pera sa loob ng mall na iyon. O kahit sa mismong mall na iyon. Ang nasa isip niya ay ang mga tao na walang muwang ang nadamay sa gulo'ng hindi naman sila kasali.

Gano'n nalang ang takot ng mga empleyado dahil sa maitim na awra'ng bumabalot sa kanilang boss. Kung dati ay malamig lang ang awra niya, ngayon ay para na siyang mangangain ng tao. Hindi iyon pinansin ni Luhence bagkus dumiretso siya kay Tiffany. Ang lobby girl.

"Shylene?" Tanong niya nang makasalubong ang kilay at matalim ang tingin. Tuloy ay nanginig si Tiffany sa takot. Ayaw niyang kaharap si Luhence kahit sobrang gwapo nito. Nakakatakot lang kasi ang awra ng lalaki na parang kaya siyang tunawin.

"S-Shylene? Who's Shylene S-Sir?" Utal na tanong ni Tiffany. Lagi namang ganito ang amo niya pero sadyang takot pa rin siya kapag malapit ang presensiya nito. Sa limang taong pagtatrabaho sa Sevrious Company ay ni hindi niya nakitang ngumiti ito. Lagi itong seryoso, nakasimangot at kung anu-anong negative emotion ang bumabalot kay Luhence.

Supreme Series #1: The AssassinationDonde viven las historias. Descúbrelo ahora