Chapter Ten: The Deal

182 18 0
                                    

Aika Blythe POV

"She is Aika Blythe Porter from the BloodVelt Organization. She is 23 years old and a high class assassin. She killed 174 Mafia Lords and only one day is her shortest day she killed. She is the unidentified assassin in your folder, King" rinig kong ulat ng isang lalaki. Hindi pamilyar ang boses.

"Personal Information?" Tanong ni Luhence. Kilalang-kilala ko ang boses niya dahil siya ang dahilan kung bakit nandito ako.

"She is from Guardian Angel Organization. An orphange in Bulacan. Adopted child of Killer" ulat ulit ng lalaki.

"Killer?" Tanong ulit ni Luhence. Naroon ang pagtataka sa boses niya.

"Codename of BloodVelt Leader" sabi nitong muli.

"I don't know that codename of his" Luhence said.

'So he didn't know Sir. Liam's codename but he knew thousands of assassin? Ha!'

Tumahimik.

Nanatili akong nakapikit habang pasimpleng kinakalikot ang tali na nasa pulsuhan ko. Alam kong apat na tao ang nakapalibot sa kinauupuan ko dahil sa apat na pares ng sapatos na nakikita ko.

"Woahh" halos malunod ako dahil sa gulat nang bumuhos ang tubig mula ulo padausdos sa katawan ko. Ang malala doon, may halong yelo kaya nanginig ako sa lamig. Lalo na't airconditioned ang lugar. Basang-basa ako!

Yhuan.

Sinamaan ko ng tingin si Yhuan dahil siya ang may hawak ng timbang kulay puti.

"A-Ahm, hi, Good Evening hehehe" sabat ng isa pang lalaki. "Ako si Blake" pakilala niya sa kaniyang sarili at kung di ako nagkakamali, siya yung nagsasalita kanina. Yung kaninang nagbibigay ng impormasyon kay Luhence. Mukha siyang matino at matalino. Nerdy look pero gwapo. Mukha ring mahiyain dahil nauutal pa.

"Aww nagseselos naman ako Ms. Sungit. Remember me? Kierxten" pakilala ng isa. Tumingin ako sa kaniya. Katabi siya ni Ysmael.

"Aey, Ms. Gorgeous. Yhuan is my name. Eaten you already?" Pagsingit ni Yhuan na may barok ulit na salita. Tiningnan ko lang siya ng masama dahil sa inis. Ngumuso naman ito na parang isang pato.

"Aika Blythe Porter" lahat kami ay tumingin kay Sevrious nang sabihin niya ng buo ang pangalan ko. Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Sa akin o sa kaniya?

Tama si Sir Liam, I am finding for my own grave. Because of chasing the truth, I was caught on trap!

Nakakainis!

Nakakabwiset!

Nakakatanga Aika!

"BloodVelt Group? Ano bang meron sa grupo ninyo at ang lakas ng loob ninyong inisin ako?" Mahinahon niyang tanong pero ramdam ang galit. Igting ang panga niya habang nasa bulsa ang isang kamay at ang isa pa ay humihithit ng sigarilyo. "Hindi ba pwedeng manahimik nalang kayo at tigilan ang pakikipanggulo sa akin. You're entire group is not my priority but why your leader keep on attacking me?!"

Hindi ako sumagot sa tanong niya sa halip ay patuloy ako sa pagkalikot ng tali sa kamay ko para makatakas sa impyernong to.

'Kapag ako nakawala dito, kayo ang itatali ko!'

Dahan-dahang lumapit sa'kin si Luhence na may nakaigting na panga. Hinablot niya ang panga ko at madiin itong hinawakan dahilan para mapangiwi ako dahil sa higpit niyon. Parang gusto niyang biyakin ang panga ko gamit ang kamay niya'ng madiin ang pagkakahawak sa panga ko.

"Who's your fucking leader?" Deretsahang tanong niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Halata ang panggigil sa bawat letrang lumalabas sa bibig niya.

Supreme Series #1: The AssassinationМесто, где живут истории. Откройте их для себя